Nag kikislapang mga camera ang nakikita ko ngayon habang nag lalakad ako papasok sa event kung saan mabibigyan ng award ang mga kilalang mga actress at actor dito sa korea at isa na ako ngayon
pero hindi nila alam ang lahat ng pinag daanan ko sa lahat bago ako makarating kung nasaan man ako ngayon. hanggang ngayon sarili ko lang ang nakakaalam ng lahat. hindi nila alam kung anong tunay na ako ang alam lang nila masaya ako at swerteng babae dahil isa na sa mga world actress at kabilang nasa mga nag gagalingang mga actress sa america at patuloy na nag paparami ng pera. pero lahat tayo ay may nakaraan bago natin makamit ang sinasabi nilang tagumpay.
pero matatawag bang tagumpay kong alam ko sa sarili ko na hindi ako buong masaya dahil sa hirap at sakit na nangyari sakin na ako lang ang nakakalam , oo nga at masaya ako dahil naibibigay ko sa pamilya ko lalo na sa mama ko ang buhay na pinapangarap ko lang noon
dahil kahit nung mga panahon na nag papakwento sila wala akong ibang sinabi kundi puro saya at kapag lumalalim na usapan kailangan ko nang ibahin ang usapan. gusto kong mag kwento sa pamilya ko lalong lalo na sa mama ko ay hindi ko magawa dahil sa saya pa lang na nakikita ko sa mukha nila dahil sa narating ko umaatras na ako agad dahil ayoko kong mabura ang ngiti sa mga mukha nila dibale ng wala akong masabihan bastat masaya lang sila
alam kong kasalanan ko din dahil patuloy akong nag lilihim anong magagawa ko nasanay ako sa ganito. at kung hindi ako ang nag pumilit hindi ko to mararanasan pero dahil din dito guminhawa ang buhay ng pamilya ko na pinapangarap ko lang dati para sakanila at eto ang naging kapalit sa sarili ko
I must wear a mask to protect who I am use to be
One decision can change everything
-------------
Tulad sa ibang storya ay mag papakilala muna ako.
Ako si Rei Chandria Martel 16 y/o taga laguna at G - 10 student
Nandito ako ngayon sa tabi ng kalsada dahil pauwi na ako galing school
kung minamalas ka nga naman oh oh ngayon pa umulan
ilang minuto na ako nag hihintay ng jeep pero wala pa ring dumarating "ano bayan bakit wala parin.. ang lakas pa naman ng ulan !" inis na sabi ko sa sarili ko.. may tubig na nga dito sa harapan ko chak na pag may dumaan na sasakyan na mabilis siguradong mababasa ako
at mukang nag dilang anghel ata ako dahil may paparating nga na sasakyan nanlaki yung mga mata ko as in yung litiral na nanlaki dahil siguradong mababasa ako kahit na katamtaman lang ang takbo pero kasi sa lakas ng ulan at tumaas lalo ang tubig na nasa harapan ko...at hindi nga ako nag kamali
" BWIISIITT!! HOYYY " sigaw ko sa sasakyan na dahilan kong bakit akoy basang basa ngayon
buti na lang at tumigil ito at may lumabas na lalaki na nakauniforme na parang body guard " nakuu miss pasenya na ha " sabay bigay ng tuwalya " ayan iha pasensya na ulit nag mamadali na kasi ako dahil sa amo ko inaapoy na ng lagnat" sabi nito..kaya pala
"ahh sige po okay lang po ako dalhin nyo na po sya baka po ano pang mang yari sakanya mag iingat na lang po kayo sa pag papatakbo at madulas ang daan" sabi ko dito" nakoo salamat ne ha ang bait mo naman pasensya na ulit ha" sabi nito sabay nag mamadali ng sumakay ulit sa kotse nito at umalis na
at ako eto nakatayo sa gilid ng kalsada na parang basang sisiw.. maya maya ay tumigil na din ang ulan kaya lumamig ang simoy ng hangin buti na lang at may dumating na ding jeep kung hindi akoy kanina pa nanginginig sa lamig
ng makarating na ako sa bababaan ko sumakay na agad ako ng tricycle palooban
ng biglang makaramdam ako ngcough* cough*