"Ladron ng puso ko"

4 1 0
                                    


Nung ika'y nakilala, puso ay di mapakali.

Tindig mong kaaya-aya, pagkatao mo'y gustong makilala.

Pero di ko inaasahan, sa tulad mo ako ay mahahalina.

Dahil may nakita sayong kakaiba, ito ang naging dahilan upang mas lalong magustuhan ka.

Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, basta ko na lang naramdaman ng kusa.

Pusong kinaiingat-ingatan, ay nanakaw na lamang bigla.

Di naman nagsisisi sa iyong biglaang pagkuha.

Ika'y aking pinagkatiwalaan sa pagaalaga.

Ngunit ngayong nanlalabo na at di na maintindihan ang nangyayari, pwede bang makiusap.

Ladron ng puso ko, pakibalik na ito.

Dahil di ko na alam paano mabawi ang puso kong nasa iyo.

Night Thoughts and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon