43 | narration

1.3K 81 140
                                    

"Jisung, mag-usap tayo."

Naputol naman ang pag-uusap nina Jeno, Jaemin at Jisung sa sinabi ni Renjun. Nakarating na pala siya ng bahay. "A-Ah sige, aalis muna kami ha?" pagpapaalam ni Jeno. "Doon lang kami sa labas, Jeno." ani ni Renjun saka sinenyasan si Jisung na lumabas. Nang nakalabas na sila, isang suntok ang pinakawala ni Renjun.

"H-Hyung."

"Ngayon sabihin mo sakin ang totoo, Ji."

Masama niya itong tiningnan habang si Jisung naman ay ipinahid ang dugo sa labi niya. Renjun expected an answer from Jisung pero nakatingin lang ito sa kaniya. "Ano na Jisung? Wala ka manlang ba sasabihin o sasapakin kita ulit?" pagbabanta ni Renjun.

"Nagkita kami ng bestfriend ko hyung."

"O tapos? Bakit late ka nang nakauwi? Alam mo bang sobrang nag-alala si Lele sayo? Buntis yon, Jisung! Buntis!"

Umiwas ito ng tingin. "Sinusulit ko lang naman ang pagkakataong magkasama kami, hyung. Bestfriend ko siya."

"Naiintindihan naman kita. Bestfriend mo yun, pero paano si Chenle? Ikaw dapat ang nag-aalaga sa kaniya eh."

Napayuko naman ang isa. "H-Hyung kasi..." kumunot ang noo ni Renjun. "K-Kasi ano..."

"Bumalik yong feelings ko para sa kaniya eh."








√ | daddy jisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon