85 | narration

1K 62 56
                                    


a/n : gonna finish this soon


"Dadwa, nashaan po ba shi Dadwy?" tanong ni Kenji kay Chenle na busy sa paga-arrange ng mga gamit niya sa school. Chenle sighed, finally zipping his son's bag saka ito tiningnan. Syempre, ayaw niyang sabihin sa anak niya na iiwanan na sila ng Daddy niya at magpakasal sa ibang babae.

"Nasa work kasi siya ngayon, baby kaya hindi muna siya makakasama sa atin. Naiintindihan mo naman siguro yon diba?" malumay niyang sagot. Tumango lang ang bata. "Opo kashi pwo love na love ko shi Dadwy. Ikaw pwo ba Dadwa, love mo po ba shi Dadwy?" pinigilan ni Chenle ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya saka tumango.

Inayos niya naman ang sarili saka ipinasuot na kay Kenji ang backpack niya. "Tara na, baby. Hinihintay na tayo ni Uncle Haechan mo at ni Minhyuk." lumiwanag naman ang mukha ng bata. "Yeheyyy! Nandito shi Minhyuk!" masayang ani nito.

"Tagal niyo atang nakalabas?"

"Oo, may pinag-usapan pa kasi kami ni Kenji."

Ngumiti naman si Kenji kay Minhyuk. The other just looked at him, no emotion evident on his pretty face. "Mags-school ka rin pala?"

WOW KENJI HINDI KA NA BULOL OMG

"Yes, and I believe you are too."

Sumimangot nalang si Kenji sa naging sagot ni Minhyuk. "Awlam mo, ang shungit mo pala."

Tiningnan lang siya nito. "I'm not."

"Osya sige na, baka malate pa tayo sa school." ani ni Haechan saka nagsimulang bumyahe papunta sa skwelahan.


---

After bidding goodbyes to their Papa and Dada, naglakad na ang dalawang bata papasok sa skwelahan. Mabuti naman at hindi nilagpasan ni Minhyuk si Kenji. Masungit pa naman ito.

"Here is your classroom right?"

Tumango naman ang bata sa tanong ni Minhyuk. "Papa said na pupuntahan kita dito during recess."

Muli naman itong tumango saka nginitian si Minhyuk. 'Why is he always smiling?' tanong ng bata sa isip. "Okay, I'll get going now. Goodluck Kenji."

Pagpasok ng bata sa classroom niya, kitang kita ang saya sa mga ngiti niya as he greeted his fellow classmates. Maybe masaya siya kasi finally, may chance na siyang maging close si Minhyuk.





√ | daddy jisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon