Prologue

129 6 0
                                    

Prologue

Nakatukod ang dalawa kong siko sa armchair ko habang pinagmamasdan ang pinsan kong kilig na kilig.Kanina ko pa siya napapansin na kagat kagat ang labi niya at impit minsan na tumitili.Di niya pa napapansin ang mga titig ko sakanya dahil busy siya sa kakapindot pindot sa cellphone niya.Nung ilang araw ko pa siyang napapansin na ganyan.

"Pwede ba tigilan mo yan?"Napalingon siya sa akin ng magsalita ako.Ibinaba niya ang hawak niyang cellphone at ngumuso.

"What?"

Umayos ako sa pag-upo at hinablot ang cellphone niya.Bigla naman siyang napatayo at sinubukang hablutin niya iyon kaya lumayo ako.Mabilis kong binaba ang cellphone ni Serina para tiningnan kung sino ba yung kanina pa niya tine-text.

Bumungad ba naman ang pangalan ng nakakairitang pangalan na iyon.

Kace Gabriel Alcantara.

"Akin na yan,Dara!"Sumulpot bigla sa tabi ko ang pinsan ko kaya di ko na natigil ang paghablot niya non.Hinarap ko siya habang siya naman ay iniiwasan ang tingin ko.Guilty siya dahil alam niyang sa lahat ng tao na pwede niyang i-text ay yon pang hinayupak na 'yon.Playboy 'yon at alam na alam kong hindi siya seseryosohin ng lalaking iyon.

Kilala si Alcantara bilang playboy ng Southville.Halos ubusin na kasi non population ng babae dito sa campus.Mapa-lower o upper batch man ay nalandi na niya at umabot pa sa ibang school maski ang mga batang teacher dito na malapit lang sa edad namin lalo na ang mga kumekerengkeng naming baklang teacher.Can you believe it?Iyong kamandag ng lalaking iyon maski ang pinsan ko ay nakuha niya!

Napangiwi ako.Di makapaniwala sa nalaman ko.Ilang beses ko ng ipinaalala sa pinsan ko na patulan na niya ang ibang lalaki dito sa campus wag lang iyong si Alcantara.Kung tutuusin ay marami namang gwapo dito,meron din namang mga playboy pero iba level ni Kace eh.Dalawa lang naman kasi ang matuturing na playboy,iyong nagbabago o nanatiling gago.At sigurado akong nag-iisa si Kace sa category ng pagiging gago.

"Ano?Bakit iyong si Alcantara pa,Serina?Ang panget panget non dun ka pa papatol?"Ngumiwi siya sa sinabi ko.

"Masaya ako dito,Dara."Umirap siya at umupo ulit sa inupuan niya kanina.Pinagpatuloy niya ang ginawa habang ako ay di makapaniwalang napatingin sa kanya.

Walang teacher ngayon dahil nasa meeting kaya malaya siyang nakakapag-text.Halos ilang minuto din na wala pa ding dumadating kaya napagpasyahan kong mag-calligraphy na lang o mag-drawing ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko.Nang mag-bell ay nagmamadaling nagligpitan ang mga kaklase ko dahil isa kami sa early dismissal ngayong araw.

Napalingon ako sa pinsan ko na nakatitig sa cellphone niya at walang kibo.Oh anong nangyari dito?

Inayos ko na ang mga nagkalat kong libro at notebook sa armchair ko at nilagay na iyon sa bag ko.Nilingon ko ulit ang pinsan ko pero nakita kong naluluha na siya.

"Uy.."Tawag ko.Di niya ako nilingon at nakatitig pa rin siya sa cellphone niya habang patuloy na lumuluha.Unti-unti akong sumilip sa cellphone niya at nakita kong may message ni Alcantara.

"Let's break up,i'm sorry."

Napanganga ako.Ganon lang iyon?Di ko maiwasang may mamuo na galit sa loob ko dahil sa pagiging gago ni Alcantara.I hate him!He reminds of my father.Ngayon pinsan ko pa ang tinalo niya?!Makikipag-break siya sa message,ganong kawalang hiyang iyon?Really,Alcantara?

Dali-dali kong isinara ang zipper ng bag ko at lumabas agad.Alam ko ay kasabay namin ang mga Grade 12 sa early dismissal kaya madali na sa aking kumprontahin si Alcantara.At di nga ako nagkamali dahil sa bungad pa lang ng hagdanan na malapit sa room namin ay nakita ko si Kace na kino-corner ang isang babae,college student.What the fuck?

"Alcantara!"Sigaw ko.Naagaw ko ang atensyon niya pati ng lahat na napadaan sa gawi namin.Naririnig ko ang pagtawag ni Serina sa akin pero di ko iyon pinansin.

Tahimik akong naging estudyante.Ilag at takot sa akin ang mga tao dito dahil mala-amazona daw ang ugali ko.Kahit pinupuri akong maganda ay walang nagtangkang manligaw dahil sa pagiging masungit ko well specifically sa mga lalaki lang naman.Never akong naging sangkot sa gulo pero ngayon ang unang araw.

Napasinghap ang lahat ng kumawala ang kamao ko sa pisngi ni Alcantara.Mabilis siyang napahiga kaya ginawa ko ng paraan yon para pumatong sa kanya para sakalin siya.

"Oh my god!"Komento ng college student na nasa tabi lang namin.Maliit lang ako kumpara sa kanya at alam kong kaya kaya niya akong bigwasan na lang.Pero iba ang ginawa niya sa halip na bigwasan ay pinalit niya ang posisyon namin.Nanggigil siyang hawakan ang magkabilang kamay ko at inilebel iyon sa ulo ko.

Galit ang mata niyang tinitigan ako.

"Ocampo?"Ngumisi siya.

"Gago ka talaga!Bitawan mo ako!"Nagpumiglas ako pero lalo niya iyong hinigpitan at ngumisi pa lalo.Madaming nakiki-ususyo sa paligid pero wala man lang isa na tumutulong sa akin,bwiset!

"You have guts to punch me eh?"Nanlilisik ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang hinayupak niyang mukha na may pasa na sa pisngi.Buti lang sa iyo yan para di ka na ulit makabilog ng babae.

Inilibot ko ang paningin ko at di ko mahagilap ang pinsan ko.Nasan na ba siya at bakit di niya ako tinutulungan dito?!

"You'll pay for this."

"Bitawan mo ko,bitaw sabi eh!"Nagpumiglas ako.Pero lalo niyang inilapit ang mukha at katawan niya sa akin.Shit.Shit!

"Ayun po Manong!"Narinig ko ang boses ni Serina at nakitang may kasama niya ang mga school guard.Mabilis akong nalayo kay Kace ng hilahin siya ng mga guard.

Umirap akong sa lalaking ngayon ay nakagat ang labi habang pinagmamasdan ako.

"Tama na yan!"Sigaw ni Manong ng aamba ulit ako kay Kace.

"Di pa tayo tapos."Inayos niya ang buhok niya na akala niya ay ikinakagwapo niya.

I smirked,"Di pa talaga."

This is the start,Alcantara.Di pa ako tapos sayo.Paiibigin kita at ibabalik ko lahat ng karma sayo para lang mapaluhod kita at umiyak ng dahil sa akin.I will play your heart and shattered it into pieces.I will make you cry,Kace Alcantara.I will be your greatest karma.You'll see.

"Halika na,baka maabutan pa tayo ng mga teachers at ma-guidance ka pa."Aya ni Serina at hinila ako.

"Ocampo.."He smirked.Tinitigan niya ako at inayos ang nagulong kwelyo.

"You're interesting."I heard him said.Tumagilid ang ulo niya habang in-examin ang mukha ko na inirapan ko lang bago magpatianod sa hila ni Serina.

•  •  •

Playing Kace Alcantara's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon