One
Masyadong mabilis ang nangyari habang hinihingal pa din ako sa galit ko.Di ko mapapatawad si Kace,makikita niya!
"You shouldn't done that,Dara!"Pangaral sa akin ni Serina hanggang sa makarating kami sa bahay.Nakita ko pa na napalingon si Mama sa gawi namin habang suot niya ang salamin at may binabasa na dokumento.Nilapag ko ang bag ko sa sofa at umupo.Binalewala ko kung ano ano ang pinagsasabi niya.I know she will take the side of her ex boyfriend.Kaya kahit anong paliwanag ko na nagawa ko lang naman iyon dahil sinaktan siya ni Kace ay di niya pa rin papakinggan.
"O bat nag-aaway kayo?"Tanong ni Mama at lumapit sa amin.Nakapameywang si Serina habang nailing-iling.
"She punched my boyfriend!"Serina exclaimed.Ngumisi ako.
"Ex,cousin."I corrected her.Gulat na napalingon sa akin si Mama dahil sa narinig kaya iniwasan ko siya ng tingin.
"You did what?Dara?!"Maski si Mama ay nakapameywang na rin.
"Paano na lang kung magsumbong iyon sa mga magulang niya at ipatalsik ka sa school na iyon,Dara?Ha?Alam kong ayaw mo sa mga lalaki dahil sa ugali mong yan pero di ko aakalaing manununtok ka!Paano na lang kung gumanti iyon?He's still a guy for pete's sake!Walang-wala ka dun."Napahawak si Mama sa noo niya.Napatingin naman siya kay Serina ng may maalala.
"At ikaw Serina!Malalagot ka sa mga magulang mo na nagbo-boyfriend ka na!Natutuwa na sana ako dito kay Dara dahil alam kong ayaw niya sa lalaki pero di ko aakalaing manununtok naman!Tumataas ang dugo ko sa inyong dalawa!"Umiiling na si Mama.Nagkatinginan kami ni Serina dahil sa mga di maubos-ubos na sermon ni Mama.Laking pasalamat ko na lang ng medyo kumalma siya kaya nagawa ko ng umakyat sa kwarto ko para makapagbihis.Samantalang si Serina ay umuwi na sa bahay nila na ilang street lang ang layo mula dito.
Nadatnan ko si Mama pagkababa ko sa sala na may kausap sa cellphone.Di niya ako napansin kaya dali-dali niyang kinuha ang coat at lumabas na sa pinto.Paniguradong pupunta siya ngayon sa firm para may ayusin.
Wala naman akong nagawa kundi manood na lang ng TV at ipagpatuloy yung about sa research namin para sa thesis na isasagawa namin next week.Patapos na din kasi iyon kaya ginawang tapusin ko na lahat para wala ng problema.Siguradong magru-rush na naman kasi ako pag tatapusin ko pa lang sa araw ng pasahan namin non sa classmate ko.Nang matapos ko na iyon ay bumalik ulit ako kakapanood dahil boring.
Laging wala si Mama dahil nasa trabaho.Minsan ko lang siya madatnan dito sa bahay at lagi siyang busy.Simula ng iwan kasi kami ni Papa para sa ibang babae ay siya na ang nagtrabaho at tumayong tatay sa akin pero alam kong sa sarili ko na hindi sapat iyon.
Dumating ang hapon at napagpasyahang lumabas muna.Nababagot na rin kasi ako sa loob dahil ako lang mag-isa at di ako binisita ng pinsan ko.Pumunta ako sa court na malapit lang sa village namin at nadatnang may laro doon.
Umismid ako ng makita ang nakabalandarang likod na may apelyido na Alcantara.Nakalimutan kong malapit lang din pala ang village ng isang to dito sa court na 'to.
Umupo ako sa bench kung saan medyo kakaunti lang ang tao.Ayaw ko naman tumabi sa mga fangirls na puro pangchi-cheer lang ng pangalan ni Kace ang naririnig ko.Alam kong sikat siya sa loob at labas ng school pero di ko naman alam na ganto kadami ang fans niya.May namumukhaan pa akong ibang schoolmate ko dun kaya umiwas na ako ng tingin at nagtago para di nila ako makita.
BINABASA MO ANG
Playing Kace Alcantara's Heart(Under Revision)
RomanceMahal na mahal ni Dara ang pinsan at ng makitang luhaan ito dahil sa kinamumuhian niyang lalaki ay parang nawasak na rin ang pagkatao niya.Eversince that day,she promised to herself that Kace Alcantara the notorious playboy of Southville Academy wi...