FLORENCE POV*Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si tiffany
" ang tagal mo naman nandito nako sa labas ng bahay nyo , " sabi ko sa kanya
" oo ayan na pababa na " sabi nya
" nandun na sila migo , kanina pa sila nandun kay lien " sabi ko
" oo na " sabi nya at pinatay ang cellphone
Mayamaya ay nakita ko na syang palabas ng gate , binuksan nya ang pinto at pumasok
" ayos ka lang?", sabi nya sakin
" hindi " sabi ko
" kaya mo yan , pupunta na tayo kay lien " sabi ni tiffany s akin at hinawakan ang kamay ko
"si venus ? alam na ba nya ?" sabi ko pa
" oo , " sabi nya pa
Nanggilid ang luha ko pero pinigilan kong umiyak
" tara na " sabi ko kay tiffany
Pag kadating namin ay sinalubong agad kami nila migo ,
" tol tara na inaantay na tayo ni lien " sabi ni migo
"cge tol " mangiyak ngiyak kong sagot
" nandyan nadin sila Nathalie at yosef , si kate nandyan na din pero si venus , di ko alam , wla akong balita " sabi ni hanna
" tara , " aya sakin ni tiffany at hinawakan ang kamay ko
Pag pasok namin
Ay nakita naming naka higa si lien
"tol nandito nanamn kami " sabi ko nang medyo garalgal na ang boses
"tol ano kaba naman bumangon ka na nga dyan " sabi ni migo at hindi na napigilan ang pag iyak
" tol naman " sabi ko pa at tuluyan nang naiyak
Tiningnan ko ang paligid , maraming tao ang pumunta , mga studyante at mga kaibigan ni lien
Ngayong na kasi ang huling gabi ni lien
Matapos syang maaksidente , matapos nyang sumalpok sa truck ay naoperahan pa sya , lumaban si lien , halos inabot din sya ng 2 araw bago bawian ng buhay
" tol naman bumangon kana" iyak kong sabi s akanya
Umiiyak narin sila tiffany
Nakahiga si lien sa kbaong
Hindi ako maka paniwala na wala na ang kaibigan namin
" simulan nanatin tita Amanda ikaw na muna " sabi ng isang lalaki
Tumayo si tita Amanda sa harap ng maming tao
Kinuha ang mic at sinimulan nang mag salita
Hindi makaka uwi ang mga magulang ni lien dahil nagka problema sila sa ibang bansa kaya hindi sila makak uwi agad , ilang buwan pa ang proseso bago sila maka uwi , sobrang sakin sa kanila na hindi nila Makita sa huling pagkakataon ang anak nila
" alam nyo , itong pamangkin ko na ito ay sobrang bait , matalino pero tamad lang , naaalala ko madlas yang late sa klase ko , lagi ko yang pinapagalitan , kasi matigas ang ulo , pero kahit ilang beses ko yang pinapagalitan , mahal na mahal ko yan naalala ko , hiniram nyan ang kotse ko pag uwi wala na yung isang side mirror , pinagalitan ko pero ang sabi tita , hindi ko naman alam kung san napunta , babantayan ko ba kasi yung sasakyan , " tumigil nang bahagya si tita Amanda sa pag sasalita at naiyak
"hindi ko lubos isipin na mauuna pa sya sa akin " iyak na dugtong ni tita Amanda
" lien anak , mahal ka ni tita Amanda , ikaw lang ang kaisa isang pamangkin kong nagpakita ng pagmamahal sa akin , hindi hgindi kita makaklimutan , magkikitang muli tayo " dugtong ni tita Amanda
inabot ni tita Amanda ang mic kay migo
" tol lien , naaalala mo paba nung panahong unang araw natin sa school nung college , ikaw yung kasama ko nun sa infirmary dahil nakipag suntukan ako at tinulungan mo naman ako , ikaw yung nagkaroon ng pasa sa mata ,na dapat sa akin tatama pero singga mo , pinag tanggol moko at tinulungan moko , Simula nun , sinabi ko na sasarili ko na tunay kitang kaibigan , hindi kita makakalimutan , kahit anong mangyari , paalam lien , at salamat " sabi ni migo habang pinupunasan ang luha
Iniabot sa akin ni migo ang mic
" sobrang hirap mawalan ng kaibigan , yung kaibigan na ang turing mo na ay kapatid , sobrang sakit para narin akong nawalan ng isang parte sa pamilya , " garalgal kong sabi
" alam mo lien , di man namin madalas sabihin pero mahal ka namin , mahal ka namin dahil tunay kang kaibigan , hindi mo kami iniwan kahit na anong nagyari , salamat sa lahat ng tulong mo , salamat sa lahat , alam kong hindi pa dito ang huli nating pagkikita , magkakasama sama uli tayo , paalam muna sa ngayong " iyak kong sabi
Nag salita narin ang iba , pero ang huling nag salita ay si kate
" lien , alam kong nasaktan kita sa maraming paraan , alam kong may pagkukulang ako ,kaya pasensya na , lien salamat sa lahat dahil sa kabila nun tinulungan mo parin ako , ikaw ang nagging takbuhan ko at sayo ko unang sinabi na buntis ako , nabuntis ako ni drew , gusto kong ipalaglag at magpakamatay nung panahon na yun , pero sinabi mong huwag , pinbalakas mo ang loob ko , pinakita mo saking nandyan ka para damayan at tulungan ako , salamat sa lahat , isa kang tunay na kaibigan , paalam lien at salamat muli " sabi ni kate habang umiiyak
Hindi namin alam na buntis pala si kate kaya natahimik ang lahat
Humarap ako sa kabaong ni lien
" lien magkikita kita pa tayo " sabi ko at ngumiti
Itutuloy........
BINABASA MO ANG
Diary ni Pogi (COMPLETE)
RomanceLien Canlas is a simple nursing Student , samahan natin syang manligaw tunghayan natin kung gano kahirap manligaw at humanap ng pag asa sa isang babae