CHAPTER:12

206 3 5
                                    

CHAPTER:12

Ilang araw din akong hindi nagpakita sakanya,yun kasi sa tingin ko ang pinaka the best na dapat gawin.medyo mahirap para sakin dahil pakiramdam ko nalulunod ako sa kalungkutan,mas pinili ko ngang maglakad na mag isa ngayon papuntang likod ng school namin.

Si Misha nga medyo nagtatampo narin sakin.Pero kasi,Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon.si kuya nga hindi narin ako masyadong kinukulit,siguro kasi nararamdaman niya ring wala ako sa mood para makipag-asaran sa kanya.

Tumigil ako sa paglalakad sa hallway ng school namin at humarap sa bintana na natapatan ko.mula doon kitang-kita yung mga taong naglalaro ng soccer sa field ng school namin.at yung mga taong nakikita kong naglalaro ngayon ay mula sa mga college's student.

Yung likod kasi ng school namin ay papunta nang college building,kumbaga hinati yung school namin,yung unang building dun ang mga high school student at sa susunod na building sa likod ng school naming katulad kong high school student ay ang school ng mga college student,medyo naguluhan ba kayo sa paliwanag ko?yaan niyo na,intindihin niyo nalang ako,alam niyo namang magulo yung utak ko dahil kay Draven.

Pagkatapos kong pagmasdan yung mga nasa lima sigurong estudyanteng lalaki na naglalaro nang soccer ay nagpasya na akong maglakad muli,Ang kaso bigla akong nanginig at halos mapaupo sa sahig ng biglang mabasag yung salamin ng school na madadaanan ko.

Ang lakas ng kaba ko,halos magtalsikan kasi yung bubog dahil sa tinamaan ito ng bola ng soccer.Napahawak pa ako sa dibdib ko sa kaba,Pero ang mas nagpakaba sakin ay ang lalaking sumampa sa ibabaw nang malapit na nabasag na salamin at tumingin sakin

"Nasaktan kaba Miss?"Alam niyo yung moment na bigla kang napipi at kahit maghumiyaw yung utak mo sa sasabihin mo,yung boktir mong bibig ayaw bumuka at magsalita

"ahh,ayos lang a..a..ko.."medyo nauutal pa ako,Hindi ko kasi akalain na makikita ko siya dito,Ang lalaking iniwasan ko ng isang linggo

Nakakagulat naman na tinalon nito yung bintana para makapunta sa gawi ko.first floor lang kasi yung hallway na dinadaanan ko.Hindi ko naman mabasa yung expression ng mukha nito habang lumalapit sakin.Nanatili parin kasi akong nakaupo sa sahig.

Nagtama yung mata naming dalawa nang bahagya itong yumuko at inabot yung kamay niya sakin,Hindi ko naman maintindihan kung aabutin ko oh hindi yung kamay niya.pero in the end inabot ko narin lalo na nang ngumiti siya sakin

Nang makatayo ako at ganap na kaming magkaharap na dalawa,Nagulat ako sa binitiwan niyang salita.habang hawak niya parin ang kamay ko

"How are you sabrine?"Bigla kong pinangiliran ng luha sa mga mata,nag-aala naman itong bigla nalang akong niyakap

"Drave..."Mas lalong humigpit yung pagkakayakap nito sakin na lalong kinagulat ko

"i'm sorry..i'm sorry sa mga pinag-gagawa kong kalokohan sayo,i'm sorry,kasi nag pretend akong hindi kita kilala..i'm sorry,please hayaan mo akong mahalin ka ulit."

"Draven.."Tanging pag-sambit nalang ng pangalan niya ang nagawa ko dahil hindi ko na naiwasang mapahagulgol.

Nagtagal din siguro kami sa ganung posisyon hanggang sa niyaya niya ako sa likod ng school namin,umupo kami sa damuhan na dalawa.Ilang minuto rin yung lumipas bago ganap na may nag-salita sa aming dalawa.

"Mapagkakatiwalaan mo paba akong mahalin ka?"tanong nito na kinatingin ko ng diretsyo dito

"Oo,naman!Alam ko naman kasing nasaktan kita noon kaya nagawa mo yun sakin,Kung tutuusin nga nahihiya ako saiyo,Nahihiya ako sa mga pinag-gagawa ko saiyo"Ngumiti ito at bahagyang sinandal yung ulo sa balikat ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IS IT LOVE OR CRUSH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon