CHAPTER:ELEVEN

207 14 12
                                        

CHAPTER:ELEVEN

Dahil sa kakaisip ko nang hakbang na gagawin ko buong magdamag hindi parin ako nakabuo nang plano.kaya heto ako ngayon mukhang tangang kulang nalang sumayaw nang cha-cha sa urong-sulong kong pagpasok sa cookies club

"hay!huwag kang kabahan Sabrine kaya mo yan."parang tangang kausap niya sa sarili

lakas loob akong pumasok sa cookies club para lang ma dissapoint nang malaman kong nag leave pala ito sa trabaho.lumabas agad tuloy ako para puntahan ito sa condo nito.doon ay nag mistula na naman akong sira sa pagdadalawang isip kung kakatok oh hindi.

at pagkatapos nang limang minutong pag-hinga nang malalim ay pikit matang kumatok ako.namaga na nga din ata yung kamay ko sa kakakatok pero walang draven na nagbubukas.mukhang wala din ito doon.laglag ang balikat na naglakad ako palayo doon.

"Lord!tulungan mo naman ako."magkasaklob ang mga palad na tumingin pa siya sa langit habang naglalakad siya

"ateeeeeeeeh.."muntik naman akong atakihin sa batang lansangan na biglang sumulpot at sumigaw sa harapan ko

"problema mo?"

"pengeng pera."sandali nga,kung makahingi parang may pinatago lang

"wala akong pera,choo-choo.."pabiro niyang sabi dito,pero bibigyan niya rin naman

"kung makapag-paalis ka parang aso yang nasa harapan mo."gulat naman ako sa nag-salita sa may gilid ko

"Draven?"

"huwag kang manghihingi sa taong matapobre,bumili kang pagkain mo."binigyan nito nang isang daan yung batak

"hindi ako matapobre bibigyan ko naman yan eh,bini-biro ko lang."nasaktan kasi siya sa sinabi nito,hindi ako nito inibo at naglakad na ulit at iniwan ako

asumera talaga ako!hindi naman niya ako iniwan,hindi naman niya ako kasama eh.pero kahit na kailangan ko siyang habulin dahil nga kailangan ko siyang maibalik sa tamang pag-iisip kung saan kilala na niya ako.

"sandali draven.."sigaw niya dito na hindi naman nito kinalingon

"stop following me,your making yourself stupid!"asar nitong sabi nang makahabol na ako dito

"being stupid is good sometimes."sagot niya dito na kinahinto nito nang paglalakad at hinarap ako

"being stupid is not good lalo na kung nakakasira ka nang araw nang isang tao."nasaktan ako sa sinabi niya pero nakuha ko pang ngumiti

"hindi ako ang sumisira nang araw mo kundi ikaw! dahil ikaw ang gumagawa nang ikasasaya at ikasisira nang araw mo."ngumiti ito nang nakakaloko sakin

"fine!you win,san mo gustong mag date?ida-date kita dahil type mo ako diba kaya hinahabol-habol mo ako?."hindi ko man gusto yung sinabi niya pumayag ako

patigasan nang ulo yung gusto niya pwes!hindi siya mananalo sakin.gagawin ko ang lahat to win him back.agad kong pinulupot yung kamay ko sa braso niya.at sinandal ko pa ang ulo ko dun.bubuka sana ang bibig nito para siguro mag protesta pero inunahan ko na ito

"ikaw ang nag offer nito kaya wala nang bawian.idate mo ako sa lahat nang gusto kong puntahan."wala na itong nagawa nang hilahin ko na ito pasakay nang bus

"ano ba.."reklamo nito sakin nang nakayapos parin ako sa braso nito at isiksik pang lalo yung sarili ko dito

"hug mo ko."nakangiti niyang sabi dito na kinaigting nang bagang nito

"date lang sinabi kong iooffer ko hindi kasama dito ang lambingan na ginagawa mo."

"eh,bakit ba?kasama na iyon sa pakikipag date,ang boring naman kung magtitigan lang tayo,dapat may holding hands at yakapan din."

"so?yun ang gusto mo fine!"nagulat ako nang bigla nitong sapuhin yung pisngi ko at ilapit sa mukha nito

what the?..anong balak niya?hahalikan niya ba ako?huwaa.hindi pwede nasa loob kami nang bus.nakakahiya.

"draven..ano ba.."

"why?"takang tanong nito

"don't..don't kiss me here!"nahihiya niyang sabi dito na may pagkasama pang pag tungo

"ito ang gusto mo diba?kasama ang pakikipag halikan sa date.kaya huwag kanang tumanggi."inulit niya yung pag-sapo nito sa mukha ko

sobrang naiinis ako sa ginawa niya.hindi na nga siya yung Draven na kilala ko kasi nagiging bastos na ito.kaya walang pasabing sinampal ko ito nang malakas sa mukha na mabuti nalang eh konti lang yung pasahero sa bus at hindi pa kami napansin

"i'm sorry pero hindi ko matanggap na yung lalaking ayaw akong mabastos noon eh pilit na akong binabastos ngayon.ibang-iba ka na nga at baka nga nagkamali nga ako nang taong nakilala noon.."mabilis akong bumababa nang bus

nakita ko yung pagkagulat sa mukha niya sa ginawa ko pero mas mabuting dumistansya muna ako.medyo nag-mumukha na kasi akong tanga kahit pa nga sinabi ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat maibalik ko lang yung feelings niya sakin.

hindi ko kaya yung sakit na ginawa niyang pambabastos sakin pero hindi ibig sabihin nun hindi ko na siya mahal.hindi muna ako magpapakita sa kanya dahil parehas lang kaming nahihirapan,kung talagang ayaw na niya sakin sa susunod na pagkikita naming dalawa.

siguro nga kailangan ko nang pakawalan yung salitang 'I GIVE UP' para lang wala nang masaktan sa aming dalawa.ayoko narin namang nasisira yung araw niya dahil sakin.minsan nakakapagod din at kailangan mong magpahinga para maging maayos ka.

>______________<

AN:

sobrang tagal bago ko ito na update ulit,pag pasensyahan niyo na ako..pero promise tatapusin ko na ito..aun,salamat sa mga reader nito kung meron pa.hehe

love

kimverly

IS IT LOVE OR CRUSH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon