Chapter 1: The Transferee

18 1 0
                                    

Chapter 1:

Tumatakbong papasok ng university dahil late na ako sa first subject ko. "Oh gosh! 1st subject exam agad? parang kasisimula palang ng klase ah? Nakakainis naman kasi yung driver ng jeep na nasakyan ko parang sumali sa prosisyon. Ambagal na ngang umandar bawat kanto pa yata hinihintuan. Adik sa pasahero! Haaayyys....😓"

Sa pagmamadali ko may nakabangga pa ko. Nagtalsikan pa tuloy yung mga dala ko! "Ashley! dito ka pala nag-aaral?..." The voice sounds familiar.Pagtingin ko, classmate ko pala during freshmen high. Atlast may kakilala na din akong natagpuan sa school na to. Pero hindi ito ang tamang oras makipag-chikahan. "Sorry Vince! This is not a right time to chat around. Nagmamadali kasi ako eh... please meet me at Room 305 later pag tapos na yung klase mo.",nagmamadaling sambit ko habang paakyat ng hagdan.

Thank God na-survive ko ang 1st subject exam. Natapos nadin ang 2nd subject ko... It's breaktime for me now. Habang inaayos ko ang gamit ko papasok ng bag. I heard a knock. Paglingon ko..."Ms.Ashley! may naghahanap sayo!",sigaw ng classmate ko. It was Vince.

"Hey! I thought di mo ako pupuntahan sa room ko?"

"Ikaw naman na-late lang eh! Kumusta ka na? Grabe Ashley... You look gorgeous now! Talang nag-bago ka na huh? Dito ka na pala nag-aaral?"

"Well...am a transferee! Maka-gorgeous ka naman wagas! Ganun padin naman ako. Siguro porma lang nagbago. Syempre it might be worst if I don't change.Right? Ikaw nga tong nagbago eh! You look matured now! Nung first year tayo para ka pang batang uhugin. ahahaha... Binatang binata ka na! ahaha congrats! You got a girlfriend now?" tanong ko kay Vince.

"Hhhmm...unfortunately wala pa! Eh ikaw?"

"Unfortunately... he died!... Joke! wala...wala na!",biro ko.

"Ahhh... mukhang mahaba-habang usapan toh! anyway, kumain ka na?",tanong ni Vince.

"Actually hindi pa.. kakain pa lang sana..."

"Sakto! tara sa cafeteria."

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, nagkukwentuhan kami tungkol sa mga buhay-buhay hanggang sa napag-usapan namin ang mga dating classmate at schoolmate na sa same University din nag-aaral. Nabanggit nya ang ilang pangalan. Si Anthon na nanging ex ko at si Alex... isang dating schoolmate na kapit bahay ni Joyce na super close buddy ko nung highschool.

"Nagkita na ba kayo ng mga dati nating schoolmates?", tanong ni Vince.

"Haaay naku Vince! sa totoo lang sobrang thankful ako dahil nagkita tayo dahil kung hindi talagang loner ako. Ikaw palang ang nakikita kong kakilala sa school na 'to! Kumusta na pala sila?"

"Well...technically si Alex at Anthon lang ang talaga ang nakaka-usap at kaibigan ko na galing sa dati nating school. Diba ex mo si Anthon? Eh di kilala mo din nga si Alex! yung bestfriend nya nung highschool pa? Nga pala bakit nga kayo naghiwalay nun ni Anthon?"

"Naku Vince! Almost half a decade nang nagdaan so there's no issue about it! Yung naging relasyon namin ni Anthon is more of experimental. First Girlfriend nya ako. To make the story short, we don't know how to handle relationship back then. At isa pa, we're better as friends. Anyway, you mention Alex? Was that Alex Montemayor? Yung totoy na mukhang foreigner? kapit bahay ni Joyce? bestfriend ba ni Anthon yun? not so sure about it."

"Si Alex? yung mukhang may lahi...but totoy? (natawa si Vince) I'm not so sure about that! Actually isa si Alex sa mga kinakikiligan ng mga babae dito sa University."

"Talaga?sabagay noon pa man gwapo na talaga yun. Kaso mukha kasi syang bata. Bansot! parang ikaw!(sabay tawa)"

"Oy hindi bansot si Alex ah! Ang tangkad kaya nun!",depensa ni Vince.

Mukhang napahaba na yata yung usapan namin ni Vince. Kailangan ko pang bumalik sa klase ko. Bago ako magpaalam kay Vince,hiningi ko ang mga cellphone number nila. Ni Vince, ni Anthon at pati narin ni Alex. I made sure na hindi na ako magiging loner uli. Kaya kinuha ko ang mga number nila para kunsakali, at least may mga kakilala na ako sa University.

Ang Tange Kong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon