Chapter 3

79 3 1
                                    

Chapter 3

Kathryn’s POV

Friend na kami netong Daniel na to. Mabait talaga siya, kahit mukhang astigin pero friendly naman pala. Akala ko deadma siya pero hindi.

Dito parin kami sa dalampasigan, nakaupo sa buhangin malapit sa dagat. Maghahapon na for sure hinahanap nako ni Mama. Pero ayoko pang umuwi ng bahay, malulungkot lang ako dun. Kaya ininterview ko nalang si Daniel.

Daniel? Ilang months ba kayo magsi-stay dito sa San Martin?” tanong ko.

Ano ba tayo ngayon, April na no? Mga 1 and a half month yata, kasi bago magpasukan aalis na kami.

Ah. Ganun ba? Bukod ba sa akin? May mga ibang friends ka na dito?"

Ikaw palang friend ko, mga 1 week pa kasi kami dito eh!” sagot niya.

Weh? Ako pa friend mo? Marami namang bata dyan ah! Makisali ka kaya pagnaglalaro sila kasi para hindi ka masyadong ma-bored. At saka, friendly ka naman.

Okay lang naman sakin wala gaanung kalaro, di naman kasi ako mahilig maglaro sa labas ng bahay.  Ewan ko ba, mas gusto ko kasi ng ganitong lugar yung tipong nakaka-relax ng mind at minsan lang ako friendly, pana-panahon lang.” sabi niya sabay tawa.

Ay! Parehas pala tayo. Apir!

At nag-apir nga kami. Haha! Hay! Ang gaan talaga ng loob ko sa Daniel nato, ewan ko kung bakit. Nababaitan lang siguro ako sa kanya.

Moment of silence.

 Tumitingin si Daniel sa dagat, kaya tumingin din ako.  Saka ko lang na-realize magsa-sunset na pala, ang ganda talaga ng view.

Di ko maiwasang mapatingin kay Daniel, tumitingin pa rin siya sa sunset. Kaya natutukan ko ang mukha niya, ang cute talaga, yung ilong niya ang tangos-tangos at yung mata niya parang kumikislap-kislap. Sa buong buhay ko, ngayon lang yata ako nagka-“crush”. Tama ba? Crush ba yung tawag kapag parang naa-appreciate mo ang beauty ng iba? Ay ewan! Bata pa ako para sa crush-crush na yan.

Pero basta, nararamdam ko at alam ko na  “crush” ko na talaga si Dan.

I’m turning 11 years old next month, May 15 birthday ko. Malapit nakong magdalaga! Yehey!

 Waaa! Bakit ko ba naiisip ang dalaga-dalaga na  yan? Bata pa rin ako, mage-eleven palang.

Sa pag-iisip ko, di ko namalayan kinakausap pala ako ni Daniel.

Kath?” sabi niya.

At worst, nakatingin parin pala ako sa kanya.  Nakakahiya naman! Kayo lumingon ako agad-agad sa sunset at nagsalita.

Wow! Ang ganda talaga ng view dito. . . Ay! Baka hinahanap na ako ni Mama, una nako Daniel. Bye!

Hay! Buti naman at naka-formulate ako agad ng palusot. Walang lingon-lingon at lumakad ako ng diretso.

Yun din sana sasabihin ko, na umuwi na tayo kasi hapon na.” sabi ni Daniel habang hinahabol ako.

Oo nga eh! Hapon na talaga, di ko namalayan ang oras. Baka hinahanap na ako ni Mama.

Sabay kaming naglakad papalayo sa dalamapasigan.

Ah. Dito nako Daniel, dun lang kasi banda bahay namin.” Tumigil ako at tinuro sa kanya kung saan banda ang bahay namin.

Okay. Sige! Una nako, ingat ka.” Sabi niya.

Pagdating ko sa bahay mga pasado ala sais ( 6:00 pm ) na. Nagmano ako kay Mama, andun siya sa kusina. Busy sa paghahanda ng hapunan naming.

O anak, andito kana pala. Saan ka ba galling?” tanong ni Mama.

Dun sa dalampasigan Ma, nagpa-hangin lang po.” Sagot ko.

Ganun ba anak, o siya! Maghugas kana ng kamay at kakain na tayo.

Okay Ma.” Nagtungo akong lababo.

Di parin nawawala sa isip ko si Daniel, may crush na talaga yata ako dun.

End of chapter 3. Hay! Nakaraos din. :D

Comment nalang hihingin ko sa inyo para naman ma-inspired naman akong magsulat. Salamat in advance!

You Are My Dream (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon