Chapter 3

34 0 0
                                    


Pauwi ako ngayon samin, nakasakay ako sa isang taxi.
Malayo-layo rin kasi yung bahay namin dito sa Sta.Rosa kaya kailangan ko pang magtaxi.
Haaays. :(

Traffic ngayon kaya medyo mabagal yung pag usod ng mga kotse. Tumingin nalang ako sa daan at sinubukang magmuni muni.

Habang nakatingin sa daan may napansin akong lalake na kumakain sa ministop.

Kamukha niya yung kuya dun sa simbahan.

Ay teka...

Waiiit.....

.........................................

SIYA YON!!

Siya nga yon,Yung lalaki dun sa simbahan. Yung kanina ko pa tinititigan. Namukhaan ko siya ng dahil sa damit niya.

Bakit magisa lang siya ngayon?? Bakit di na niya kasama kapatid niya?? Bakit ang lungkot ng mukha niya??

*Dugdug....Dugdug*

Shet ano na naman tong kumikislot sa puso ko? Bakit tuwing nakikita ko siya may parang malakas na kabog sa puso ko? Haist!

"Lagi kong naaalala ang kanyang tindig at porma at kapag siya ay nakita kinikilig akong talaga ah.."

Yan lang naman tumugtog sa radyo ng sinasakyan kong taxi. Pati ba naman dito!? Kanina sa mga kaibigan ko, Pati ba naman dito?? Haist!

Nagsimula ng umandar yung taxi na sinasakyan ko kaya hindi ko na siya nakita..

From :D  to   :(  realquick!

"Di naman siya sobrang gwapo, Ngunit siya ay type na type ko,
Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko??"

Bakit nga ba ganito nararamdaman ng puso ko tuwing nakikita ko siya?? Di naman siya gwapo.

Ay teka hindi ko pa pala nakikita mukha niya paano ko masasabe na di siya gwapo??

"Miss nandito na po tayo." Sabi nung driver

"Salamat po manong." Inabot ko na yung bayad ko at lumabas na ng taxi.

Pumasok na ako ng bahay at binati ang aking ina.

"Hi ma! Nakauwi na po ako." Aniya ko kay mama na nagluluto ngayon ng panghapunan sa kusina.

"Hi anak, upo ka na diyan malapit na matapos tong niluluto ko." Sabi ni mama na patuloy pa rin sa pagluluto.

"Pasok lang po ako sa kwarto, pahinga lang po ako saglit."

"Sige anak, tawagin nalang kita kapag luto na toh."

Hindi ko na nilingon pa si mama at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko.

Binagsak ko yung katawan ko sa kama at pumikit, Hindi ko na tinanggal sandals ko dahil pagod na pagod na talaga ako.

Pagkapikit ko ng aking dalawang mata nakikita ko siya.
Nakikita ko ulet ang porma niya.
Nakikita ko ulet yung bagsak niyang buhok.

"Argh! Sino ka ba kase!? Ano bang meron sayo at ganito nararamdaman ko sa tuwing naaalala kita!?" Pag bulong ko sa sarili ko.

Hindi na ako makatulog kaya kinuha ko nalang cellphone ko at nagopen ng facebook account ko.

Chinat ako ng choir member ko sa church at sinabing may gc daw kami. Lahat daw ng choir members kasali don.

Convo namin:

Shalie: Kasali ka ba don sa gc??

Hinde eh :

Shalie: Sige isasali nalang kita don.

Sige salamat :)  :

Shalie Villarose added you


Kasali na ako dun sa gc na sinasabi ng choir member ko, inistalk ko yung mga pictures nila dun sa gc at....


May nakita akong pamilyar na buhok at porma...







































*Dugdug...Dugdug*









Siya yon! 0_0













To be continued...

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon