Chapter 8

31 0 0
                                    

"AHHHHH!!!!" sigaw nung dalawa kong kaibigan na kilig na kilig dahil nakita at nakausap nila si Zay at Jd.

Nandito na kami ngayon sa bahay nila sophia, Buti nalang wala mama at papa niya kundi mabibingi yun sa sobrang lakas ng sigaw nung dalawa.

"Omaygad bes!" Niyuyugyog ako ni selena habang kilig na kilig siya sa nangyare kanina.

"Woy nu ba yan! Di mo na ako kailangan yugyugin!" Aray ha ansaket. Higpit ng pagkakahawak sa balikat ko tapos yuyugyugin pa ako.

Si Sophia naman ayun kinakain niya na yung ice cream na binili sakanya ni zayden, Didila sa ice cream sabay mamumula.

Naaalala niya siguro yung nangyare kanina sa park. Mwahahaha!

"Yes i know, Dumating yung 'Knight and shinning armor' niyo. Edi kayo na." Sabi ko kay selena sabay irap.

"Ay grabe bes bitter lang? Hahaha!" Psh. Bitter daw eh hindi nga siya makapagsalita kanina. -_-

"Bitawan mo na nga ako kulang nalang bumakat yang mga kuko mo sa makinis at maganda kong balat eh. :-p" Wahaha! Okay sobra ka na xylia.

Binitawan na ako ni selena, Grabe ansaket nun ah. Ikaw ba naman pang gigilan ni selena arujuskopo!

"Wow! Makinis daw." Sabi ni selena sabay irap.

"Ay nga pala, Bukas may practice kami sa choir bukas ^_^" Hehehe, Yes! Makikita ko siya.

"Okay okay, Makikita mo rin 'Knight and shinning armor' mo ;-)" Aniya ni sophia.
Naubos niya na yung ice cream niya, Grabe bilis ah.

"Nga pala selena, Ano yung sinabi mo sakin kanina sa school? Di ko masyadong narinig kasi nagring yung school bell at nagsigawan mga kaklase natin." Ano yung sinabi niya ulet nun?

"Alin dun? :-\" Aniya ni selena na pilit inaalala yung sinabi niya.

"Yung diba inaasar ka namin ni sophia kay Jd tapos sabi mo 'Ikaw nga ___' anong sinabi mo nun??" Kunot noo kong tanong sakanya.

"Ahhhh!!! Kako 'ikaw nga Verano eh' " Ano daw? Verano?

"Ano?? Verano?? Sino naman yun??" Sinong verano naman yun?? Wala akong natatandaan.

"Haaay nako!" Sabay na sabi ni sophia at selena.

"Verano yung apilido ni kuya sa simbahan. Verano apilido ng crush mo!" Sigaw ni selena.

"Verano!?" Gulat na gulat kong tanong kay selena.

Tumingin naman ako kay sophia at yung mukha niya para bang 'Halatang di ka nakikinig Face'. Sorry na, Lutang eh.

"Hay nako! Sabi ni mommy na Verano daw apilido nung kuya sa simbahan. Kaclose rin daw ni mommy yung lola ni kuya verano pati na rin daw ng mama mo!" Whatdapak!?!? Kaclose ni mama yung lola ni kuya verano!?  Bat di ko alam yun?

Ay sabagay, bihira lang naman ako magkuwento kay mama ng mga nangyayare sakin kaya ganun.

"Teka, Pakiulet nga yung apilido."  Aniya ko kay sophia na para bang nakita ko na yung apilido na yun.

"Verano bes! V-E-R-A-N-O Verano!" Sabay na sabi nina sophia at selena.

Di na kailangan ispell okay? Uulitin lang.

"Verano!? Omaygad bes! May nagaadd sakin kagabe na Kiel Verano! Di ko inaccept kasi mukhang jeje at akala ko kung sino sino lang na nanti-trip sakin."

Shet wag mo sabihing ikaw yun! Huhuhu! Maygad nagsisisi akong dinelete Request ko.

"Inistalk mo ba?" Tanong sakin ni sophia.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon