Cookie n' Kream

55 0 0
                                    

                                     "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa

                           kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo,

                             wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

                                                                 - Bob Ong

Please do not distribute, transmit, copy, publish or display to other sites without the owner's permission.

Pa-vote naman or comment para alam ko kung pwede pa syang ituloy or hindi na..

Thank you! :)

--------------------------------------------------------------------------------

Cookie n' Kream

[Short Story by Jellymushy]

Limang taon na ang nakaraan pero bakas parin sakin yung sugat na iniwan nya. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon buhay na buhay parin sya sa alaala ko. Ang tagal tagal na, ang dami ng nangyari. Ang dami ng nagbago, pero bakit yung nararamdaman ko para sayo hindi parin kumukupas?

"Hoy Cookie! Tulaleng ka nanaman jan!" sigaw ng kaibigan kong si Monica

"Huh? Tulala ka jan. iniisip ko lang si Bachengcheng kung kumain na. Naho-Homesick nanaman kasi ako." sabay punas sa table ng umalis na customer

"Naku! naho-Homesick o namimiss sya?"

" Uy! Anu ka ba! Matagal ko ng kinalimutan yun no. Tigilan mo nga ako Monica!"

"Hahahaha. Sino bang tinutukoy mo? Ang sinasabi ko, namimiss si Bachengcheng. Who are you referring to Cookie?" sabay tawa nya

"Oh! e di nahuli ka ni Monica na sya parin ang iniisip mo!" ani ni Mike

"Anu ba?! tigilan nyo nga ako."

"Pero mawalang galang na Mars ha? Anu ba talaga ang nangyari sa inyo?" tanong ni Mike sakin na tila interesado talaga sa mga pangyayari sa buhay ko.

Pero anu nga ba talagang nangyari samin? Anung nangyari sakin?

[FLASHBACK SCENE]

-5 years earlier-

"Happy Birthday Baby!" nakangiti kong inabot sa kanya yung regalo ko.

"Uy! Thank you baby. Nagabala ka pa"

"Naku! anu ka ba. Ok lang yan. Nakuha ko na kasi 13th month ko kaya nagkaron ako ng kaunting extra" sabya ngiti ko sa kanya. "Buksan mo na.Sana magustuhan mo"

Habang binubuksan nya yung regalo ko sa kanya, abot tenga ang ngiti nya.

"WOW! Thank you baby!" sabay hug nya sakin "Kaso hindi ba medyo mahal to?"

"Sus!wag mong isipin yun. dali dali, isukat mo na!"

"Pero sayang naman.."

"Hayaan mo na. Minsan ka lang magbirthday Baby.Tsaka kumpara mo naman sa mga nakuha mong regalo kagabi sa birthday party mo. Eto simpleng tsinelas lang."

"Huy! hindi naman simple 'to. Jordan kaya to. Mahal to. Unless imitation to"

"Hoy Christopher Jesus Kreamero! Hindi imitation yan no. Orig yan"

"Weeh? try nga ntin isampal sayo tapos pag bumakat ibig sabihin original!" sabay ngisi nya

"Aba! Aba! ikaw.." habang kinukurot ko yung mukha nya.

Cookie n' KreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon