i

6 1 0
                                    

Ako si Harry Zamorra, labing-anim na taong gulang. Halos lahat na ng panlalait ay naibato na sa akin. Lahat ng gusto nilang gawin ay ginawa na nila. Oo, natitiis ko pa subalit hindi lahat.

Pinipilit akong balikan ng nakaraan.

Gusto ko nang magbago ngunit hindi ko magawa.

Wala na akong mga magulang. Wala na rin akong mga kapatid. Lahat ng umampon sa akin, namatay lahat. Wala na sila. Napakasaya.

Ngayon ay nandito ako nakatira sa bahay nila Mama Ester, ang umampon sa akin ngayon. Siyam na taon na ako sa kanya. Napakabait, napaka-matiyaga. Wala siyang asawa't anak kaya itinuring na niya akong parang tunay niyang anak. Mahal na mahal niya ako. Lahat ng pangagailangan ko ay naibibigay niya ng maayos. Napakaswerte ko sa kanya.

Hindi ako napariwara sa buhay.

Hindi ako nalulong sa mga bisyo.

Lumaki akong normal at inosente sa mata ng ibang tao.

Walang nakaka-alam ng istorya ng buhay ko. 

WALA!

DAVIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon