"Hoy Zamorra! Ano, kaya mo nang lumaban? Papalag ka na?"
Sa tuwing nilalapitan ako ng mga taong ito ay tinitignan ko lang sila ng masama.
Lumapit sa akin ang isang kumag. Itinulak ako ng malakas hanggang sa matumba ako. Hindi ako tumayo. Umiyak ako. Tumulo ang luha ko sa sahig.
"Hahahahahahahahaha! Lampa pala 'to pre e."
At sabay silang nagtawanan.
Nagmistula akong tuta sa kanilang paningin.
Nakakaawa ako.
Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo papalayo bago pa lumala ang sitwasyon.
Nasa malayo na ako at naririnig ko pa rin ang halakhakan ng mga kumag. May isinisagaw pa ito sa akin.
"DUWAG! DUWAG! DUWAG!"
Maraming salamat at nagagawa ko pang magtimpi ng galit.
Ayoko na talagang maulit pa.
AYOKO NA!