Something's wrong

5 1 1
                                    

Saktong alas-6 ng umaga, nakasakay na ako sa jeep papuntang school, ang kaso lang, traffic!! Letse! Late nanaman ako! Tsss..

Kitang-kita rin yung pagkabugnot ng mga tao dito sa loob kaya, ang intense ng feeling!

"Ano ba kasing nangyayare??!!"

"Mahigit trenta minutos na tayo dito, di pa rin umaandar!"

Mga linya ng mga taong maiksi ang pasensya, kagaya ko

"Manong, ano ho bang meron?"

Tanong nung babaeng estudyante rin sa school na pinapasukan ko.

"Hindi ko rin alam ineng. Teka nga at titingnan ko" Sabi ng driver at bumaba sa jeep at naglakad papunta sa bungad.

"Gandang timing ng traffic." Napa-buntong hininga na lang ako dahil kamalasan ko. Kanina, nadulas ako sa cr, tapos nakalimutan ko pang bigyan ng pera kapatid ko tapos ngayon kung kailan may exam kami, eh traffic?! Hustisya!!

"Uyyy, ate" napalingon ako kay ate gurl na katabi ko sabay sabi ng "Bakit?"

"Hindi mo ko natatandaan?"

Eehh?? Whut?!

"Sino ba u?" At kitang-kita ko kung paano nagbago ang mukha nya mula sa jolly papuntang sad. Real quick.

"Magkasama tayo dati sa camp last 2014. Nagsiga pa nga tayo nun eh"

Woosh. Akala ko may nakaraan kami huehue. At nagchikahan na kami.

"Teka! Di pa din nakakabalik si manong??"

7:34 na. Kaninang alas-siete pa nag-umpisa ang klase naman at malayo pa kami kaya, ituloy na ang pag-absent! Nag-pasya na akong lumabas at tingnan ang nagyayare.

"San ka pupunta Ynna?" Tanong sa akin ni Claire.

"Makiki-sagap ng balita sa labas."

Pagkalabas ko, lumingon ako sa pinanggalingan naming daan at shet na malupet!! Haba ng traffic!! Bumper to bumper!

Sa pinamalayo sa may unahan, may isang truck na sumalpok sa dalawang jeep, kitang-kita yung kapal ng usok dahil sa pagsabog nung isang truck. Pero ang nakakapag-taka, sa laki ng aksidenteng to, bakit walang ambulansya??

Dahil siguro, na-traffic din?

Dahil ayoko palang umabsent, naisipan ko nalang lakarin papuntang school, tutal marami din namang taong naglalakad na sa labas.

"Claire! Tara lakarin na natin."

"Ay sige sige"

Nag-umpisa na kaming maglakad, at sa isang tindahan malapit lang din doon sa salpukan, napatingin ako. May isang lalaking naka-upo. Naka-yuko lang sya. Siguro natutulog? Pero sa gantong ingay, puro busina at daldal ng tao, makakatulog sya. Tapos ang inet pa? Come on! What's happening? At may napansin din ako, may bandage sya sa kaliwang leeg, at kitang kita ko ang dugo kahit makapal yung tapal.


"YNNAAAA"

At nahilo ako.




"Di ka kase tumitingin sa daan eh!!"

Bwisit!! Aray!! Napahawak ako sa noo ko at, hori sheyt! May dugo! Takot ako sa dugo!

"Uy namumutla ka! OA ha? Parang gasgas lang naman ah!"

"Stop acting like you know my pain!" At sobrang nayayamot na ang mukha ni Claire sa akin. Hehe.

"Tara na nga!"

At naglakad na ulit kami, nang mapalingon ulit ako at nakita yung lalaking may bandage sa leeg kanina na naglalakad ng mabagal papunta sa kumpol ng mga tao.

"Oh sige lingon pa!! Baka mamaya, manhole na kalalagyan mo!" At dahil natakot ako sa sinabi nya, diretso na ako ng lakad.

Lakad
Lakad
Lakad
Lakad

After almost 10 minutes, at last!!! Nakarating na us!! At- at- at-

WALA PA SI MAAM GOMEZ~~~ parteeh!

Lumabas ulit ako at hinabol si Claire.

"Bye Claire! Kita tayo mamaya hehe" at naghiwalay na kami at pumunta na sa kanya-kanyang room.

"Ooyyy ynna!" Boses pa lang knows ko na kung sino yan.

"Bakit Paul?" Kaibigan ko na parang ewan. Simula bata magkasama na kami nyan, nakakasawa rin.

"Anong bakit bakit ka dyan? Utang mo!" Gago to

"Aba!! Parang ikaw yung may utang ah! Bayad mo!"

At ang bata, tumakbo palabas. Pero dahil tamad ako, di ko sya hinabol. Balakajan!

"Tsss" at nilingon ko ang nagsabi nun, at nakita ko ang isang demonyo dito sa lupa. Drake Borromeo, ang pinaka-kinaiinisan kong tao sa buong pilipinas

"Epal"

At umupo na ako sa upuan ko. Kinuha ko ang cp ko at nag-online sa facebook. At ang laman ng news feed ko ay puro tungkol sa traffic at iba pang ka-kemehan, pero may isang kakaibang post.

TULONG!! NANDITO AKO SA CR NG MALL SA **** . ANG WEIRD NG MGA TAO!! NAGKAKAGATAN SILA!

Nagkakagatan?

Anong nangyayare??!!!

Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Maam Gomez.

"Class!!! Wala munang lalabas ah! Mag head counts kayo pagkatapos itext nyo mga parents nyo na hindi muna kayo makakauwi. Understand?"

Huh? Bakit?

"Maam! Bakit po? Anong nangyayare?" Tanong ng president namin na si Krishna.

"Di ko din alam. Maghintay na lang tayo, kung anong iuutos ng nakakataas. Iwan ko muna kayo at pupuntahan ko pa ang ibang room" at umalis na si Maam Gomez.

"Guys tingnan nyo tong video na to!" tawag sa amin ng vice president namin na si Vince.

Pagkakita ko sa video, pamilyar yung lugar. Yun yung may aksidente kanina, lahat nagkakagulo dahil sa pagligtas sa mga na-aksidente ng biglang may lalaking sumulpot at kinagat sa braso yung babaeng nakatayo malapit sa kanya.

"Shit"
"The fuck!"

Tinulak palayo yung lalaki at binugbog ng iba. Laking-gulat ng lahat ng yung babaeng nakagat, at biglang umatakeng parang gutom na hayop.

THIS IS NOT HAPPENING!!!

Unknown VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon