Loud boom

2 1 0
                                    

Ynna's POV

Agad-agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang kapatid kong si Luna.

"Shit. Sagutin mo.."

The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call again later

Ilang beses kong sinubukang tawagan si Luna pero, bwisit lang, dahil wala talaga.

"Wala munang lalabas guys! Please lang" sabi ni Valerie, secretary namin at kaibigan ko

"Wait-- kanina andito si Paul ah!" Sabi ni Oliver na kaibigan ni Paul. Paul--- Ayyy shet! Oo nga! Asan na yun? Aakmang lalabas na sana ako ng magsalita si Drake.

"Where do you think you're going?" At tumayo sya sa harapan ko at humarang si pintuan.

"Pake mo?" Pinilit ko syang patabihin, pero waepek.

"Nakikinig ka ba? Bawal ngang lumabas diba?" Mataray na sabi naman ni Freya sabay roll eyes habang naka-upo sa upuan nya. Lalapitan ko na sana sya kaso humarang yung iba kong mga kaklase.

"Stop" - Vince
"Tigil" - Alex
"Hinto" - William
"Yamete" - Oliver

"Oo na! Nag yamete na si Oliver eh"

Tangina. Paano yung kaibigan kong tukmol? Kahit naiirita, bumalik na lang ulit ako sa upuan ko. Dahil katabi ko lang ang bintana, sumilip ako. Kitang-kita ko sa labas yung malawak na hi-way na noong kailan lang, puno ng mga sasakyan at mga taong naglalakad. Ngayon, mga nagkabanggaang mga kotse, mga dugo, at mga patay na muling nabuhay.

"Tangina talaga." Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan si Paul. Katulad kay Luna, hindi ko din sya matawagan.

Dalawang oras na ang nakakalipas. Walang teacher ang pumasok sa amin. Sa sobrang tahimik, rinig namin yung sigawan ng mga tao sa labas. Ang sakit sa puso.
Ng biglang--



*booommm*

Nakaka-bingi, dahil sa lakas ng impact tumilapon ako palayo sa upuan ko. Malapit lang yung pagsabog sa akin, at nabasag yung mga salamin sa bintana ng room, maski yung dingding nasira.

"Arrgghh" napahawak ako sa kaliwang ulo ko dahil sa sakit, pagtingin ko sa kamay ko, puno na ng dugo. Maski ang kaliwang braso ko, may mga nakabaon pang bubog.

"Help them! Oh God!" rinig kong sigaw ni Krishna.

Argh.. takot ako sa dugo. Ang sakit ng ulo ko. Dumidilim ang paligid. Ayokong mahimatay...

"Shit!" rinig kong sabi ni Drake bago dumilim ang lahat.

Paul's POV

Tumakbo ako palayo sa room hanggang sa makarating ako sa maliit na park nitong school. 2nd floor lang naman kami kaya, mabilis lang akong nakarating. Pagtingin ko sa likod ko, wala si Ynna.

"Kj talaga"

Dahil napagod ako, umakyat sa tree house doon at natulog yakap yung gitara ko nakalagay lang doon.

*booommm*

Fuck! Ano yun??!! Napatingin ako sa labas ng tree house at-- at nagulat kung anong meron.

"Zombies?? Nananaginip ba ako?!" Sinuntok ko ang sarili ko at kinurot pa ang pisnge ko. At totoo nga! Yung pagsabog, galing sa dalawang truck na dumausdos sa gasolinahan malapit sa school kaya siguro umapoy agad. Napatingin ako sa cellphone ko at alas-10 na. Ilang oras na pala akong natutulog! At may nasa higit sampung missed calls na sa akin si Ynna. Shet.
Sinubukan ko syang tawagan kaso wala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unknown VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon