Sage, 05:13 PM; Sunday
“Nasaan na ba 'yong babaeng gusto mo? Dali, para mahusgahan ko na 'yan.”
Bumuntong hininga ako at imbes na sagutin si Hani ay tinitigan ko lang siya nang mariin. Naiinis na ako sa babaeng 'to, kung hindi ko lang siya kailangan ngayon ay pinalayas ko na 'to sa harapan ko.
Totoong umamin ako na ang gusto ko ay si Hani. Pero sa truth or dare kasi 'yon, natapat sa akin 'yong dulo ng bote at tinanong ako kung sino raw bang nagugustuhan ko sa room. Edi ang sinagot ko, si Hani kahit hindi naman talaga. Ayoko namang sabihing si Rose dahil siguradong kantyaw na naman ang abot ko sa kanila. At ayokong asarin nila si Rose. Hindi pa nga ako umaamin sa kanya, tapos aasarin na agad siya ng mga kaklase ko? Tss, hindi pwede 'yon.
Napatuwid ako ng tayo nang makita ko ang mga kaibigan ko na papasok na ng simbahan. Hindi pa nag-uumpisa naman nag-uumpisa ang misa dahil naghihintay pa silang mapuno ng mga tao itong simbahan.
Katabi ko si Hani habang nakatayo kami rito at hinihintay na makalapit ang mga tropa ko. Nangunguna si Nike sa paglalakad habang nasa likod niya naman si Michael, Yuan, at Harvey. Malay ko kung nasaan na si Timothy at Jake, kasama ko lang ang mga 'yon kanina ah.
“Wala pa 'yong mga babae, kinuha nila kay Chanrick si Roselle.” si Nike.
Tumango na lamang ako at nararamdaman ko na pinagpapawisan ako ng malamig. Tangina, nasa simbahan kami pero panay ang mura ko. Pasensya na, Lord. Kinakabahan lang talaga ako. Hinihiling ko lang na sana umayon ka naman ngayon sa akin. Kahit ngayon lang, kailangan ko lang talagang makuha si Rose.
“Bakit hindi ka pa kasi sumama sa mga tropa mo? Nakita mo ba, puro babae kami rito!” si Jineiah na pinapagalitan si Timo, sumama pala siya sa kanila.
“Anong puro babae? Nando'n nga si Chanrick sa likod, oh!” sagot naman ni Timothy.
Natawa ang iba kong kaibigan pero ako, hindi ko na magawang tumawa. Ninenerbyos talaga ako ng sobra, pucha. Ano ba naman 'to. Baka pumalpak pa ang buong plano dahil sa'yo, Sage!
“Guys, okay lang ba na—”
Inangat ko ang tingin ko at nakitang nakatingin din sa akin si Roselle na natigil sa pagsasalita. Dumako ang tingin niya kay Hani na ngayon ay nasa tabi ko.
“Oh, okay lang pala na sinama ko si Chanrick. Tutal may kasama naman tayong iba rin.” tumikhim siya.
Bumulong ako kay Hani, “Ayan si Rose.”
Pinanood ko ang panlalaki ng mga mata niya at pagbuka ng bibig niya. “Infairness, maganda siya.”
“Syempre, wala kang mapipintas diyan kay Rose.” ngumiti pa ako.
“Sino 'yong kasama niyang lalaki? Boyfriend niya?”
Naiinis ko siyang binalingan. “Nababaliw ka na ba? Hindi ko gagawin ang lahat ng 'to kung may boyfriend na pala siya.”
“Fine. Chill ka lang. Nagbibiro lang ako.” natatawa niyang sagot.
Nag-umpisa na ang misa. Hindi na ako makapaghintay na matapos ito para maisagawa na namin ang plano. Hindi ko tuloy namalayan na naka-isang oras na pala kami at patapos na ang misa.
Noong nagpalakpakan na ang mga tao ay sabay-sabay kaming lumabas ng mga lalaki kasama si Hani. Ang mga babae naman ay naiwan sa loob ng simbahan dahil masyadong mabilis ang lakad namin. Si Jake ay binulungan si Chanrick na sumunod sa amin at iwan muna si Rose.
“Siguraduhin mo lang na hindi papalpak 'to, ha. Bilis na at may pupuntahan pa ako.” si Hani na kanina pa nagrereklamo.
“Makakaalis ka na. Tapos na naman ang role mo, ibigay mo na lang sa'kin 'yong phone mo.” sagot ko na hindi man lang siya binabalingan ng tingin.
“Ano? Anong gagamitin kong cellphone? Bakit kasi hindi na lang ninyo sabihin ng diretsahan do'n kay Roselle, hindi 'yong may plano-plano pa kayong ganito.”
Mariin ko siyang tinitigan. Nanggigil na ko rito kanina pa, e. “Akin na nga lang cellphone mo, may cellphone ka naman na isa riyan kaya may magagamit ka pa.”
“Tss, oh eto.” padabog niyang inilagay sa palad ko ang cellphone niya. “Makalayas na nga!”
Nang makaalis siya ay si Chanrick naman ang binalingan ko ng tingin.
“Ano bang kailangan mo sa akin?” tanong niya habang pinipilit na makawala kay Timo at Nike.
Hawak kasi nila ito at kahit matangkad siya ay wala siyang magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ng dalawa kong kaibigan.
Sinenyasan ko sila, “Bitawan niyo na.”
Nang makawala na siya ay dali-dali siyang sumugod sa akin pero hindi ako natinag.
“'Di ba sinabi ko na sa'yong tigilan at layuan mo na si Roselle? Sinasaktan mo lang siya!” banta niya.
Payak akong tumawa. “Alam ko. Kaya nga hinihingi ko ang tulong mo ngayon sa gagawin ko.”
“Hindi kita tutulungan dahil hindi ka naman gusto ni Rochi.” ngisi niya.
Aba at may nickname pala itong ugok na 'to kay Rose.
“Kahit na, gusto ko lang na umayon ka sa'kin. Sige, let's have a deal.” pinasadahan ko ang mga kaibigan ko na nakakunot ang mga noo habang nakatingin sa akin. “Kapag sinabi niyang hindi niya ako gusto, iyong-iyo na siya. Pero kapag napatunayan kong ako ang gusto niya, titigilan mo na siya at hindi ko na siya papalapitin sa'yo.”
Nawala ang ngisi niya at seryosong mukha na ang ipinakita sa akin. “Deal.”
Sinabi ko na sa kanya ang plano, simula sa simula at hanggang sa matapos ito. Kung pumalpak man 'to, hindi pa rin ako susuko. Pipilitin kong mapasaakin siya. Kahit anong mangyari. Dapat akin lang siya.
“Ayusin mo lang at hindi dapat masaktan si Rochi sa gagawin mong 'yan, Sage.”
Tumango ako at ngumiti. “Salamat.”
Ayos na. Si Rose na lang ang kailangan kong maniwala sa akin.
•••••
Triple update? :>
BINABASA MO ANG
sister
Short StoryYG Series, #3: Sister [Epistolary Novel] "Kuya, gusto kita." started: 042318 (10:20am) finished: 060418 (06:00pm) © stormaezings, 2018 (Credits to the owner of the pic on the book cover)