[38]

250 16 3
                                    

Roselle, 08:21 PM; Sunday

Pakiramdam ko ay isang araw akong nakatulog. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko pero parang natutulog pa rin ako dahil sa sobrang dilim at wala akong makita! Teka nga, nasaan ba ako at bakit sobrang dilim naman dito?

“Ate Jineiah?” sigaw ko sa pangalan ni Ate. Baka sakaling nandito rin sila.

“Elizabeth!”

“Ate Jen?!”

Pero walang sumasagot. Nag-panic na ako dahil takot ako sa madilim. Ayoko ng wala akong nakikita. Inilapat ko ang mga paa ko sa sahig pero ang mga kamay ko naman ay may tali. Kahit hindi ko nakikita ay nararamdaman ko naman kaya alam ko.

Sinubukan kong maglakad pero dahil nga sa wala akong makita ay umupo na lang ulit ako. Hindi ko pa rin alam kung nasaan ako hanggang sa bumukas ang—teka, TV? Bakit may TV dito?

Lumabas ang mukha ni Hani roon. Nakabusangot ang mukha niya at may nagsasalita pa sa background na hindi ko naman masyadong marinig. Ano bang nangyayari?

“Ito na nga! Tumahimik ka na kasi riyan!” sambit ni Hani. Ipinagpatuloy ko ang panonood sa kanya kahit ayaw ko. “So, hi? I'm Hani Song at tama nga 'yong narinig mo na umamin siya sa akin—”

Natigil ang pagsasalita ni Hani nang may magsalita rin sa background. “Hani!”

Nilingon niya ang nagsalita sa background at sininghalan iyon. “Oo na! Manahimik ka na nga lang!” at muling bumaling sa video cam. “So, 'yong narinig mo, totoo nga 'yon. Pero dahil lang 'yon sa truth or dare na nilaro namin noong nakaraang araw. Si Sage na ang magpapaliwanag sa'yo ng maayos, ang gusto ko lang talagang sabihin ay hindi niya ako gusto at ikaw ang gusto niya. Ikaw naman kasi, hindi ka muna nakinig kay Sage! Ayan tuloy. Tsk, tsk. Sige na, 'yon lang 'yong gusto kong sabihin. Pwede ko namang sabihin sa'yo 'to sa mas madaling paraan pero ayaw ni Sage! Sana magkaayos na kayo para hindi na ako nagugulo! Kagigil! Bye!”

Nagdilim ulit ang paligid. Gusto kong magsalita para tawagin sila pero hindi ko magawa dahil sa sobrang panginginig ng mga labi ko. Natatakot na ako. Mas lalo pang nadagdagan ang takot ko nang may humawak sa aking braso. Sisigaw na sana ako kung hindi lang siya nagsalita.

“Rose, ako 'to...” bulong niya.

Si Jack. Nandito si Jackson.

“K-kuya?” suminghot ako. “B-bakit ako nandito? At saka ba-bakit ang dilim? P-pwede bang pakibukas ng ilaw...”

Bumukas ang ilaw at hindi ko man lang namalayan na yakap na pala ako ni Jackson. Kaming dalawa lang ang nandito, nakaupo sa sofa, at walang katao-tao. Kahit isa ay wala.

Ilang minuto rin kaming tahimik at tanging ang tunog lang ng orasan ang naririnig namin nang magsalita siya.

“Sorry kung paulit-ulit na lang kitang sinasaktan...” bulong ni Jackson. “Pero maniwala ka sana kay Hani, totoo lahat ng mga sinabi niya. 'Yong truth kasi na itinanong sa akin ay kung sino raw ba 'yong nagugustuhan ko sa room, sa section lang namin, hindi sa ibang section o sa ibang room kaya siya ang sinagot ko. Totoong gusto ko siya pero dati pa 'yon. Alam ko namang wala akong pag-asa roon dahil may boyfriend na 'yon...”

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. “G-gusto mo ba ko?” tanong ko pa.

Umiling siya at hinaplos ang mukha ko. “Rose, hindi kita gusto. Kasi mahal kita.”

Hindi ako nakasagot agad. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin nang biglang,

“Whooooo! May bagong couple na naman tayo!”

May sumabog na confetti at isa-isang lumabas ang mga barkada namin na pinapangunahan ng sigaw ni Harvey.

•••••

Last na 'to, bukas na ulit. Hihi, bye!

sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon