JIN'S POVNanigas ang buong katawan ko sa takot. Naka-harap ko na si Ativ. Ang God of Magic. Pero hindi ganito ang katindi ang takot na naramdaman ko dahil naramramdaman ko na wala namang balak si Ativ na saktan ako.
Pero itong wolf na ito... Gusto nya akong patayin! Kainin! Nakikita ko yun sa mga mata nya. Para sa kanya isa lang akong tanghalian!
'Fuck! Galaw Jin, galaw!'
Wala akong balak mamatay agad. Pakshet talaga 'to si Ativ! Dadalhin na lang ako sa ibang mundo hindi pa ako nilagay sa safe zone!
"Bwiset talaga! Spatial Shield! Acceleration!"
Isang transparent shield ang bumalot sa akin at isang kulay grey na magic circle lumitaw sa paanan ko. Pakiramdam bumagal ng 20% ang paligid ko.
'Time magic... So cool!'
Sobrang sarap sana sa pakiramdam yung feeling na bigla na lang bumagal yung paligid pero walang oras si Jin para mag-enjoy.
Tumakbo sya papalayo at agad namang sumunod sa kanya yung Baby Grey Wolf.
'Fuck, wala pa nga akong 30 minutes sa mundong ito nasa isang life and death situation na agad ako!'
Gamit ang Acceleration Time magic ay halos kasing bilis ko lang yung Baby Grey Wolf. Pero mukhang hindi rin ito magtatagal.
'500 MP para sa Spatial Shield at 100 MP per second naman para sa Acceleration. Akala ko pa naman malaki na yung 10,000 MP. Tsk.'
Ini-open ko agad yung status screen ko at agad na naghanap ng offensive magic na pwede kong magamit.
"Fireball, Water Bullet, Wind Blade, Lightning Ball!"
Apat na sunod-sunod na offensive magic ang pinakawalan ko pero madali lang itong na-ilagan nung wolf. Kahit na under Acceleration magic yung mga atake ko ay masyadong pa rin itong mabagal para dun sa wolf. Atsaka isa pa, medyo off din yung mga atake ko dahil hindi ko sya ma-asinta ng maayos. Kung titigil lang sana sya kahit mga ilang segundo...
Teka, tigil?
"Delay!"
Nabawasan ako ng 1000 MP pero tumigil nga ng 0.5 seconds yung wolf at mukhang hindi nya ito napansin dahil patuloy pa rin sya sa paghabol sa akin. Masyadong maikli ang 0.5 seconds, pero ito lang yung tanging paraan na naiisip ko para siguraduhing hindi maiiwasan ang atake ko. Wala akong confidence sa accuracy ko at baka mas mauna pang maubos yung MP ko bago ko matamaan ang wolf na ito.
Kailangan ko ng isang mabilis na spell. Sapat na masugatan man lang yung wolf sa loob ng 0.5 seconds. At mukhang alam ko na kung ano yun.
'Okay. Kaya ko ito!'
Tinitigan kong mabuti yung wolf habang tumatakbo, naghihintay ng tamang oras para umatake.
'Masyadong pa ring mabilis... Shit.'
Kailangan nya pang bumagal ng kaunti para makasigurado ako. May naisip na akong paraan pero... Meron lang akong 50% chance na magsa-succeed ito. Tsk! Para namang may choice ako.
Kinansel ko yung Acceleration magic ko at umarteng parang hinihingal. Nang ilang metro na lang layo sa akin ng wolf ay tumigil at naglakad papunta sa akin. Mukhang akala ng wolf na nanalo na talaga sya.
Naghintay pa ako ng sandali at nung nasa range na sya ng magic ko ay agad akong umatake.
"Delay! Earth Spike!"
Dalawang magic circle ang lumitaw dun sa paanan ng grey wolf. Isang kulay brown at isang kulay grey. Pagkatapos nito ay isang 2.5 meter long spike ang bigla na lang lumitaw mula rito.
Pero mukhang medyo nahuli pa rin ako dun sa pag-cast ko sa Earth Spike dahil nagawa pa ring maka-ilag nung Baby Grey Wolf. Pero okay lang, dahil hindi ko ito na one-hit ay nagawa ko pa rin naman itong bigyan ng isang malaking sugat.
Napahiga ito sa damuhan habang naliligo sa sarili nitong dugo. Puno ng galit ang mga mata nito habang naka-tigin sa akin.
Nang na-confirm ko nang hindi na ito makakalaban. Naglakad papunta rito habang may kuryenteng unti-unting nabubuo sa kamay ko. Tama, ito ang Lightning Ball spell. Pero mas gusto ko 'tong tawaging...
"CHIDORI!!!"
Naging sunog na bangkay yung Baby Grey Wolf pagkatapos nitong makatanggap ng isang Chidor--este Lightning Ball at point blank range.
"Matagal ko nang gustong gawin yun eh. Ehehe."
Susubukan ko pa sana yung iba ko pang mga spell pero bigla ko na lang naramdaman na parang yumayanig yung lupa.
Nung una mahina lang, akala ko nga imagination ko lang eh. Pero pagkatapos ng ilang mga segundo, palakas na ito ng palakas.
"Hindi ito lindol..."
Masama ang kutob ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko talaga parang may masamang mangyayari, at kailangan kong magtago.
Agad akong tumakbo papunta dun sa lilim ng isang malaking puno bago ko ginamit yung spell na nakita ko kanina.
"Cover!"
Isa itong spell under Darkness magic. As long na nasa dilim ako, itatago ng spell na ito ang presence ko.
Matapos kong ma-cast ang spell na yun, naghintay na lang ako pinakiramdaman ang paligid. Hindi ako gumalaw at kahit ang paghinga ko ay binagalan ko.
Mas lalong tumitindi yung masamang kutob na naramdaman ko kanina. Ganun din ang pagyanig ng lupa. Gusto kong tumakbo, pero parang may nagsasabi sa isip na mas lalo akong malalagay sa panganib pag ginawa ko yun.
...
"Raaaaaaaawwwrrr!!!"
Hindi nagtagal at nalaman ko na rin kung ano ba yung pinagmumulan ko ng masamang kutob.
Mga magic beast, libo-libong magic beast. Iba't-iba ang mga itsura nila. Mayroong higanteng gagamba, osong may tatlong mata, agilang may gintong balahibo at marami pang iba. At lahat sila ay mas malakas bg ilang beses dun sa Baby Grey Wolf.
[Level 31: Three-Eyed Dark Bear]
[Level 39: Abyss Spider]
[Level 46: Earth Serpent]
[Level 35:....
[Level....
'What... The... Fuck...?'
BINABASA MO ANG
My Life in Another World
FantasiaMakapag-tapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho, magka-asawa at mabuhay mapayapa. Yan lang ang tanging pangarap ni Jin. Pero mukhang may ibang plano ang tadhana para sa kanya dahil pag-gising nya isang araw ay kaharap nya na ang God of M...