Chapter 1

693 20 3
                                    

Kathry's POV

Kakalipat lang namin dito sa bagong bahay namin. Hayy.. Hindi pa ako masyadong sanay. Oo nga pala, ilang araw nalang, pasukan na naman. Kailangan ko nang magayos ng mga gamit ko para sa school. Sabi ni Mama , dun daw ako mag aaral sa school ng Best friend ko ,si Julia. Buti naman , may kilala ako sa school na yun . Ano kaya ang itsura ng school ? Hmm.. May mga cute guys kaya dun ? Siguro marami . Mababait kaya ang mga students dun ? Siguro, Oo . 

*Tok ! Tok ! Tok !* 

Nak ! Gising na !! Kakain na tayo. sigaw ni mama.                                                                                                                                                             

Opo , Ma ! . Sabi ko. 

Tumayo na ako . Nag hilamos at nag tooth brush . Pagkatapos , bumaba na ako. Diretso ako agad sa dining room. Nakaupo na sila Mama at kuya Neil. Lumapit ako agad kay Mama at hinalikan ko sya sa pisngi. 

Good morning , Ma . sabi ko sabay ngiti . 

Aba ! Aba ! Parang si Mama lang ang nakikita mo ah ? . Sumimangot si Kuya. HAHAHA. Ang bilis naman mag tampo. x)

HAHA. Bat naka simangot ka ? Ha ? Good morning nga pala kuya . *muah* Hinalikan ko sya sa pisngi . 

Tapos, umupo na ako at kumuha na ng pagkain. Si kuya naman , kwento ng kwento tungkol sa isang babaeng nakabangga nya sa mall. Ang ganda nya raw kasi. Di nya man lang daw kasi natanong ang pangalan . Siguro , sa sobrang ganda nung babae, natulala sya . hahaha. Anyway , Kailangan kong pumunta sa mall ngayon. Marami akong bibilhin. School supplies, mga uniform , pati na rin yung mga accessories at mga shoes ko. Dali dali akong umakyat papuntang kwarto. Kinuha ko na ang towel at damit ko tapos pumasok na ako sa banyo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis. Nag paalam na ako kay Mama. Pumayag naman sya at binigyan nya ako ng pera kahit alam nya na may credit card ako. Ewan ko ba kay mama. Pero, mas mabuti na rin yun. Kokonti lang ang mababawas ko sa card ko . :D

Lumabas na ako ng bahay. Nag para ako ng taxi. 

San po tayo , Ms ? tanong nya. 

Sa MOA po manong . sabay ngiti .

After 10 minutes , nakarating na rin ako. Binayaran ko na yung driver. 

Pagka baba ko , may bigla akong na-sikong lalaki. Ang gwapo nya . Payatot nga lang . 

Tignan mo ginawa mo ! Natapon tuloy sakin ang drink ko ! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo ! . Grabe lang ah ? Galit na galit ?! Di ko naman kaya sinasadya. Che. 

Ahh, sir ? Sorry po. Nakatalikod po ako kaya di ko po kayo nakita. Sorry na po talaga. Sungit . Di man lang sya nagsalita . Binigyan nya ako ng death glare. Mukhang inis na inis. Nag smile lang ako. 

Alam mo bang ----? bago pa nya tapusin ang sinabi nya , nag salita na ako .

Hindi po. tapos binigyan ko sya ng ngiting pang asar . Tapos yun... Lumakad na paalis. HAHAHA. Ang sama ko naman. Ako na nga yung nakabangga , ako pa nang trip. 

Pumasok na ako sa mall. Konti palang ang mga tao. Pag pasok ko, dumiretsyo ako sa National Book Store. Dami kong pinamili. Ang bibigat . 

*Pok!*

Aray !!. Nabitawan ko tuloy yung daladala ko ,at dun ko pa mismo nabitawan sa right foot ko. Ang malas naman oh !. Humarap ako dun sa taong nakabangga sakin . Nagulat ako nang nakita ko yung lalaking na siko ko kanina. O_O <---- Ganyan yung istura naming dalwa. 

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon