.
.
.
mabilis lumipas ang araw at ang buwan mas lalo kung minamahal si jaz mag iisang taon na kami next month , wala parin nakakaalam sa relasyon namin maliban sa dalawa naming bff ,bakasyon parin ngayon wala kaming ginawa kundi mag date mamasyal bawat araw ng bakasyon sinusulit namin , parang kay jaz nadin ako nakatira bihira na akong umuwi sa condo,
marami nadin akong damit sa condo ni jaz kaya parang doon na talaga ako nakatira ,pinakilala narin ako ni jaz sa parents nya thru skype , mababait sila nababawasan ang pagkamiss ko sa parents ko pagnakakausap ko sila tanggap nila ang relasyon namin ,
masaya ako dahil hindi sila kagaya ng ibang magulang na hinuhusgahan ang anak pagnalaman na bisexual ang anak nila,
nandito ako ngayon sa condo susunduin ako ni jaz mamaya mamasyal daw kami ,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
11 am usapan naman 10am wala parin si jaz ,
itext ko na kaya ...
to:mhine
mhine nasan kana?
.
.
.nagreply din sya agad
{ sorry mhine hindi na ako makakapunta , may emergency lang }
( ok ingat ka mhine ah )
hmm... anu kayang problema nun ,
gutom na ako sa labas nalang ako kakaen ,
akala ko pa naman sabay kaming kakaen ,may malapit na restaurant dito doon din ako madalas kumaen, nung hindi la kami ni jaz,
matagal tagal nadin akong hindi nakakaen doon namimiss ko na yung madalas kung orderin ,
so dahil wala si jaz , kailangan kung magdrive papunta roon mga 5 minutes drive lang naman ,
ipapark kona ang kotse sa parking lot ng restaurant , may nakita akong familiar na mukha ,
tama ang hinala ko si jaz nga yun, kala ko ba may emergency daw... tapos ngayon makikita ko may kasamang babae ,
hindi sya nagpunta sa condo ko , para lang makipagdate sa ibang babae ? may kirot sa puso ko parang kinukorot ng maraminh beses , hundi parin ako bumababa sa kotse,
tinted naman ang windows ng kotse ko kaya hindi nila ako makikita , pero sila kitang kita ko at mukhang seryoso sila kung anu man ang pinaguusapan nila ,
tinext ko sya ?
to: mhine
(mhine nasan ka ? )
nakita kung hawak nya nag fone nya sigurado akong magrerply sya agad, pero nagulat ako dahil binaba nya lang agad yung fone nya ni hindi ko man lang nakiyang mag nagtype sya para magreply sa akin,
ganun ba talaga kaimportante ang pinaguusapan nila wala na syang oras para magreply sa akin,
tatawagan ko nalang sya ,
calling mhine.
.
nakikita ko lahat ng ginagawa nya , mukhang tatayo sya para sagutin ang tawag ko ,pero hinawakan sya sa kamay nung girl , aray ang sakit hindi ko na yata kaya ang nakikita ko bakit sya hawak hawak nung girl ,
nakita kung bumalik sa pagkakaupo si jaz , may sinabi yung girl hindi ko alam kong anu , nakikita ko lang sila pero hindi naririnig kainis...
lumabas ako ng kotse para lumapit sa kanila
(hello mhine)
sagot nya habang hawak parin nung babae yung kamay nya , malayo pa ako sa kanila kaya hindi pa nila ako nakikita , pero habang papalapit ako parang dinudurog ang puso .
sinubukan ko munang mag relax baka kung anu anu pa ang masabi ko ,
{ oh hello mhine nasan ka ? hindi ka nagtetext kaya tinawagan na kita nakakaistorbo ba ako??}
(hindi mhine sorry hindi ako nakapagtext , nandito na ako sa condo kumaen kana ah , tawagan nalang kita mamaya i love you)
..... call ended .....
habang nagsasalita sya ako naman ay patuloy na naglalakad papalapit sa kanila pero nasa labas lang ako dahil glass naman ang dingding ng restaurant kung nasaan sila ngayon,
nasa harap na nila ako pero nasa labas ako ng restaurant yung salamin lang pagitan naming tatlo , nakita kung tumingin sa akin yung babaeng kasama ni jaz,
tumingin narin si jaz , kitang kita ang pagkabigla nya, hindi ko na napigilang umiyak kusang tumutulo ang mga luha ko hindi ko na iyon napigilan ,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
tumakbo ako hanggang sa makarating sa kotse ko , pinaandar ko agad yung sasakyan gusto kung lumayo sa lugar na to uuwi na ako ng condo , nawala ang gutom ko sa mga nakita at narinig kung kasinungalingan ,paguwi ko ng doon ko na binuhos lahat ng luha ko ,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.sorry sa mga type error :(