"Aasa ba?"Minsan nakakalito, kung yung isang tao, interisado ba sayo.
Nakakaloko, di ko alam pero sobrang gulo.Aasa ba ko? O hanggang dito nalang tayo?
May patutunguhan pa ba ito? O ganito nalang tayo?Ayoko ng umaasa pa, baka kasi masaktan pa.
Nakakatakot baka kasi mang-iwan ka.
At sa huli maiwan lang ako umaasa.Ayoko ng tamaan pa ng pag-ibig. Dahil alam kong sa ngayon mag-isa lang akong umiibig.
Ang pag-ibig na isinisigaw ng aking dibdib na ayoko ng sabihin pa ng aking bibig.
Dahil alam kong sa huli maiiwan lang akong mag-isang umiibig sa taong kailanma'y di maririnig ang aking tinig na sinisigaw ang tunay na pag-ibig.
- 2018 Chase