SIX

25 2 1
                                    


"Hindi na tulad ng dati"

Minsan akong tuminghala, kasunod non ang pagkamangha.

Tila ba nawawala ang sakit na nadarama sa twing tumititig sa buwan na kaakit-akit.

Minsan iniisip ko, pareho ba tayo?
Na nakatayo sa gitna ng dilim at naninibago?

Saka ko nalang biglang naisip, wala ka na pala saking tabi,
at hindi na tayo tulad ng dati.

Hindi na tulad ng Dati,
ngayo'y sobrang lamig at wala ka saking tabi.
Sana nga pareho tayo,
Nakatitig sa buwan na tirik sa gitna ng madilim na gabi.
At ina-alala ang Dati.

Nakatitig ako sa buwan.
Na para bang ikaw ang pinagmamasdan.
At kahit sa ganitong paraan, ikaw pa rin ang aking inaasam.

Sana masaya ka na.
Kahit na hindi ako ang dahilan, atleast ngumingiti ka.

Ayos lang ako.
makakalimot din ako.
At balang araw isa ka nalang sa mga alala ng kahapon ko.











-2018 Chase

CHASE' POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon