CHAPTER 20

46 2 0
                                    

Sofia's Pov

Matapos ng lahat ng nangyari pinili ko na lang umuwi ng bahay masyadong magulo, anong ibig sabihin ni Timothy sa mga sinabi nya kanina? gusto ko syang tawagan para magtanong kaso anong sasabihin ko?

Naisip ko bigla si Akhie!

*flashback*

Hindi pa ako nakakarecover sa mga sinabi ni Timothy ng biglang naramdaman kong may sumampal sakin..

"Masaya kana Sofia ha! masaya kana! lahat na lang ikaw! anong meron sayo na lahat ng gusto ko nakukuha mo!?" sigaw sakin ni Ruby.

"Ano ba! Umalis kana hanggat hindi ko pa nakakalimutan na babae ka!" balik na sigaw ni Akhie sakanya.

Anong nanyayari? bakit may ganong issue kami, itatanong ko sana sa kanya kung anong problema ng bigla na lang syang umalis at sinabing hindi pa kami tapos. Nakakapanghina yung mga nalaman ko ngayong araw at kung hindi siguro ako yakap ni Akhie malamang pinulot na ako sa sahig. Dumating naman yung iba naming kaibigan.

Katleen: anong nangyari bebe!?

Joan: ou nga kanina pa namin kayo hinahanap, nakita nyo ba sila Ruby? biglang nawala eh.

Lace: naku! nagsolo lang yung magjowa na yun tara na balik na tayong arcade mamaya lang nandun na din yun.

Akhie: Ano guys sumama daw yung pakiramdam ni Sofia kaya una na kami ha? Laurence! kayo na muna bahala sa kanila ha.

Sinabi nya yun habang naka akbay sa balikat ko.

Natan: Baka naman gusto nyo lang din na magsolo?

Akhie: sort of.. hahaha baliw! sige una na kami ingat kayo ha!

Naglakad na kami palayo sa kanila at umupo muna sa isang bench sa gilid ng mall, "wala na sila pwede ka ng umiyak" pagkasabi nya nun parang falls na nag unahan pumatak yung mga luha sa mata ko. Iniyak ko na lahat, bigla naman akong niyakap ni Akhie! siguro kung hindi kami nasa ganitong sitwasyon sinapak ko na to! nakakarami na eh T^T pero dahil nga madaming beses nya na din akong tinulungan sakanya ko na lang nilabas lahat ng sama ng loob ko.

"iiyak mo lang lahat ngaun, pero bukas hindi na kita hahayaan na umiyak." sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko. Kumalas naman ako sa yakap nya at nagpunas ng luha. "Salamat ha.. hindi ko  alam kung anong gagawin ko kung nangyari yon tapos wala ka.." sabi ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi. "Alam kong nadinig mo yung sinabi ko kanina Sofia.. hinawakan nya yung dalawang kamay ko, "seryoso ako dun ako na lang wag na sya pinapangako ko hindi kita sasaktan" sinabi nya iyon habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ako makasagot.. anong sasabihin ko?

"Hindi mo naman kailangang sumagot ngayon... kaya kong maghintay, tara hatid na kita sa sakayan" dagdag naman nya na para bang nababasa nya yung asa isip ko. Tumayo na kami at naglakad, nagulat akong huminto kami sa stall ng ice cream bumili sya at inabot sakin. Napangiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. Naglakad kami papuntang sakayan ng dyip.

"Bye... salamat sa ice cream!" sabi ko sa kanya at sumakay na sa dyip. Magkaiba kasi kami ng way kaya hindi sya makakasabay sakin tsaka naisip nya din sigurong kailangan kong mapag isa. aalis na lang yung dyip ng may marining akong sumigaw "MANONG! INGAT SA PAGMAMANEHO NAKASAKAY SA DYIP NYO YUNG BABAENG MAHAL KO!! HAHAHA BABYE SOFIA!"

*end of flashback*

Feeling ko nagblush ako ng sobra nung oras na yun kasi yung mga pasahero nakatingin sakin! sa sobrang dami ng gumugulo sa isip naisipan ko na lang itong itulog.

--

RUBY'S POV

Akala ko sapat ng binigay ko lahat ng oras ko sa kanya.

Akala ko pwedeng mag work out yung relasyon namin.

Akala ko mamahalin nya din ako ng katulad ng pagmamahal ko sa kanya!

Hindi pala! si Sofia pa din! sya pa din yung  mahal! Hindi ako papayag na mapunta lahat sa wala yung ipanghirapan ko. Bitch na king bitch! pero hindi ako makakapayag na mawala sa kin si Timothy, naumpisahan ko na to wala ng atrasan.

Kinabuksan..

Wala si Timothy, hindi pumasok.

"Hoy bakla! saan kayo pumunta ni boyfiee mo kahapon ah! bigla na lang kayong nang-iiwan! wala tuloy akong nakasabay pag-uwi" bungad na sabi ni Joan sakin habang humahaba yung nguso.

"Bakit si Sofie? hindi mo nakasabay?" tanong ko.

"Eh maaga din silang umuwi ni Akhie eh.. masama daw kasi pakiramdam ni Sofie kahapon kaya ayon hinatid ni Akhie.. O ayan na pala sya Sofia! halika ng dito! kayong dalawa ha! lagi nyo na lang akong iniiwan sa ere porket lumalovelife na kayo!" himutok naman nya, kahit kelan talaga napaka isip bata neto! Hhmm sabagay bata pa naman talaga sya, and speaking of the devil nandito na si my ow so beautiful bestfriend *note sarcarms here.

"Sagutin mo na kasi si Natan! hahaha oh hi Sofie masama daw pakiramdam mo?" Nakita kong nalukot yung mukha ni Joan sa sinabi ko. and gulat naman yung nasa mukha ni Sofia.. why? did she thought na hindi ko na sya kakausapin after ng mga nangyari kahapon? No! hindi ko ibibigay ang gusto nilang dalawa ni Timothy. Walang alam yung mga barkada namin sa mga nangyari so i can use it against them. Knowing Sofia so well alam kong kahinaan nya yung mga kaibigan nya at alam ko din na hinding-hindi yan gagawa ng bagay na alam nya ikasisira ng barkadahan namin.

My Complicated Love Life(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon