Kabanata 17

1.9K 44 8
                                    


*Beeeeeeep!*

"JAKI!!!!!!"

Agad lumabas si vice sa sasakyan at ni lapitan si jaki na naka upo sa kalsada.

"Jaki! O-okay kalang?" Hinawakan naman ni vice si jaki.

"Wag mo kong hawakan! Kaya ko!"

"May s-sugat ka jaki."

"May sugat pala ako? di ko naramdaman. Mas masakit dito!" turo ni jaki sa dibdib nya, pilit namang tumayo si jaki ngunit natumba din ito.

"J-jaki" hinawakan na ni vice binuhat nya para di na pumiglas at pinasakay sa kotse at pumunta sa pinakamalapit ba hospital.

Sa ospital..

"Paki tawagan nalang si tito vhong, para ma bayaran ang na bayaran mo." walang expression na sabi ni jaki.

"Wag na."

"Sabihin mo nalang na tumawid ako at di ako nag ingat kaya nasaktan ako, ng subra!...
Wag kang mag aalala, di nila to malalaman. Higit sa lahat di to malalaman ni karylle, umalis kana."

"Jaki."

"Please.."

"Walang mag ba---"

"Kaya ko. Just please leave." Lumabas na nga si vice sa kwarto ni jaki. Nung lumabas na siya ay dun na siya humagogol sa pag iyak.

Pinaalam naman ni vice na nasa ospital sila. Kaya di nag tagal dumating narin sina vhong.

"Jaki.." Sabi ni vhong. Lumingon naman si jaki, at niyakap si vhong. Nandun din sila vice at anne

"Ano ba kasi nangyari?" Tanong ni vhong.

"tumawid po kasi ako sa di dapat tawirin, di ako nag ingat kaya nasaktan ako ng ganito." Sabi ni jaki at tumingin kay vice na parang may pinatatamaan. Umiwas naman ng tingin si vice.

"Okay kana ba ngayon?" tanong ni anne.

"Kakayanin kong bumangon."

"Mag pahinga ka na muna jan."

Lumabas na si jaki sa ospital, sa bahay nalang siya nag patuloy sa pag pagaling, nag bigay naman ng excuse letter si vhong. Mga ilang araw nadin simula nung lumabas siya, bumibisita naman yung mga kaibigan nya. Kailanman ay di nag pakita o bumisita si vice pag katapos nun. Si vice naman ay, palaging kasama si karylle gumagala, inamin na din ni karylle na mahal nya si vice. Isang araw bumisita si karylle kay jaki.

"Hi jaki, how are you?"

"Medyo okay okay napo ate."

"Good, ito pala oh. cookies for you."

"S-salamat po ate. Kayo po nag baked nito?"

"Nope, kasama ko boyfriend ko. Actually, siya talaga naka isip na i baked ka namin ng cookies."  Nakangiting sabi ni karylle.

"M-may b-boyfriend na kayo?" tila kinakabahan na sabi ni jaki.

"Yes, si vice. Yung sir mo." Nakangiting kilig ni karylle.

"s-si v-vice?" Kumirot naman ang puso ni jaki sa nalaman.

"Yes, a-are you okay?"

"O-opo ate, sumakit lang po yung sugat ko."

"Hala sorry, maybe i should leave para maka pagpahinga ka."

Tumango naman si jaki. At lumabas na si jaki.

'V-vice? why? ang sakit!' isip ni jaki, di nya namalayan na tumulo na pala ang mga luha nya.

Naalala naman ni jaki ang mga araw na kasama nya si vice.

So it's you (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon