23

20 17 0
                                    

Joed Co's POV

Nandito kami ngayon sa isang bar ni Joshiah kasi nagyaya syang uminom kaya sinamahan ko na kahit pa may pasok pa bukas

Oh oh! Hinay-hinay lang pare may pasok pa bukas

"Wala akong pake! Ang gusto ko lang ngayon ay uminom ng uminom! Kaya pagbigyan mo na ako joed"

Iba talaga nadadala ng pag-ibig eh.
Kaya hindi talaga ako nagseseryoso ng babae kasi magiging miserable buhay mo pag nagkataon tsk tsk.

Okay okay fine.

Hindi ko talaga alam kung paano to tatanungin tungkol sa nangyari oh wag nalang kaya kasi halata naman na may hindi magandang nangyari.

"Akalain mo yun Joed? Mahal nya daw yung lalaki tapos...tapos....ako daw..ako bestfriend hahahahhahaha hahahahahaha"

Inabutan ko pa sya ng alak

Kung ako din siguro yang nasa sitwasyon nya? Mas malala pa siguro ako dito kasi nakikita ko yung mga pinag-gagawa nya dun kay lliana kahit nga pagod na pagod yan kahit pa Limang minuto pa lang syang nakatulog pag tumawag na yang gagong lliana na yan tatayo yan at pupuntahan kung sang empyerno man yan. Napaka walanghiya nya!

Eto hindi ko sinasabi sayo dahil hindi ko gusto si lliana para sayo, pero pare! Gumising kana! Hindi ka mahal ng babaeng yun!

"Hahahahahaha kaya nga eh! Hindi nga ako mahal kaya ang dali-dali lang nyang gumawa ng mga bagay na nakakapasakit saakin kasi nga wala namang kami hahaha"

Hindi parin excuse yun joshiah para ganunin ka nya! Gago ba sya ha? Nakayuko lang sya at hindi binibitawan ang alak sa bibig

Eh gago naman pala yung babaeng yun eh! Kung dineretso nya nalang kayang hindi ka nya magugustuhan at hindi ka nya kayang mahalin! hindi yung pinapakinabangan kapa nya! Punyeta!

"Wala eh mahal ko talaga yung tao joed"

Kaya ka nga nagkakaganyan eh kasi minahal mo yung maling tao

"Pero kahit na ginago nya ako wala naman akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko para sa kanya, kasi ako minahal ko lang sya at naging masaya din naman akong kasama sya yun nga lang kaibigan lang turing nya piste!"

KAYA KO NA LETCHE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon