1

89 7 3
                                    

"Ipaliwanag mo ito, Candice! Bakit ganito ang grado mo." salubong ang mga kilaybni Tita sa mga oras din na iyon.

Kakarating ko lang galing eskwelahan nang sumalubong sa harapan ng pinto ang isang ginang na nakabestida't nakapameywang.

Halata sa mukha nito ang pagkadismaya. Iniabot niya ang isang pirasong papel na naglalaman ng marka ko noong midterm.

Wala sa kalahati ang nakuha ko sa subject na iyon. Hindi ko alam kung bakit, basta nakaramdam na lang ako ng lungkot at kung anong bagay na humihila sa akin pailalim.

"Pasensya na, Tita. Sorry." Ang mga katagang iyon ang siyang kumawala sa aking bibig.

Napansin kong may nais pa siyang idagdag ngunit hindi ko na lamang pinansin iyon.

Kaagad akong tumalilis paakyat ng hagdan. Hinanap ang aking kwarto't nagkulong.

Napabuga ako nang malalim at mahigpit kong niyakap ang aking mga tuhod.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay.

Nagmistula akong bulag sa mga oras na 'yon. Kadiliman ang lumukob sa akin. Kadiliman ang nagbigay imbitasyon sa akin.

Ginusto ko 'to. Ninais kong magkipagkita sa kanya muli.

Naramdaman ko ang aking mga luha. Binalot nito ang kabuoan ng aking mukha, dinamay pa nito ang aking mga palad na walang kamuwang-muwang.

Maraming naglalaro sa aking isipan. Ni hindi ko alam kung ano nga ba ang nangunguna't nananalo.

Pero isa lang ang alam ko, ako ang siyang taya.

Naghahabol ako ng kasagutan. Uhaw sa kung anong maaaring matanggap. Pero natatawa na lamang ako dahil naghahanap ako ng kasagutan sa tanong na hindi ko alam kung ano.

Para lang kabuteng sumusulpot. Parang bulang naglalaho.

Matapos mapagod sa pag-iyak at pagmumuni-muni ay naisipan kong humilata. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa aking kisame.

Naalala ko pa noong unang bili't kabit namin 'yan ng aking Mama. Maliwanag pa 'yon at walang kadiliman ang siyang nagpapakita.

Ngunit ngayon, ibang-iba na siya.

Doon ko napagtanto na hindi lahat ng bituin ay nagtatagal. Minsan sila'y napapagod din, nawawalan ng liwanag hanggang sa lamunin na lamang ng kadiliman.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata dahil sa pagkabigat ng mga talukap nito. Nang mapangiwi ako nang aksidente kong mahawakan ang hiwa sa aking kaliwang pulsuhan.

Hanggang kailan mo ba ito gagawin, Candice?
Hanggang kailan ka magiging mahina?
——————————————
Kinabukasan. Alas sais ng umaga ako nagising. Hinanda ko ang sarili ko, inilabas ko sa kabinet ang damit na aking susuotin.

Uniporme na halatang plantsado na dahil sa walang anong gusot akong nakikita.

Sigurado akong inihanda na ito ni Tita noong linggo pa lang.

Isang oras akong naligo. Nag-isip ng mga bagay o pangyayari na maaaring mangyari mamaya.

Pagkatapos ay kumain ako ng konting pandesal sa kusina. Mayroong naiwang sticky note at alam kong kay Tita iyon dahil hindi siya nagpapalit ng mensahe sa sulat.

Palagi na lang, " Candice, kumain ka na riyan, iniwanan kita ng pandesal. Mag-aral kang mabuti." -Tita Liselle

Nagtra-trabaho kasi siya sa call center sa bayan ng San Carlos. Medyo may kalayuan iyon sa bahay kaya't maaga siyang nagigising at umaalis ng bahay.

IN MY HEADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon