Chapter 20

6.8K 118 19
                                    

ARA P.O.V

"Iyakan na yan!!" pang-aasar nina Karen nang patapos na ang party namin. Nagyakapan na kami, sobrang sad lang kasi apat na taon kaming magkakasama at madami na kaming napagdaanan  na apat.

Nagawa namin yung thesis, projects at lahat na din yata ng kalokohan ay nagawa namin na magkakasama, we are like sisters.

"Magkikita pa naman tayo eh. Saka see you nalang din sa finishing line." sabi ni Karen nang apat nalang kami sa hallway.

We nodded. Another chapter na naman ng buhay ko ang matatapos.

"Street foods na muna tayo." aya ni Loriele.

"Sure." sagot naman ni Danna. Umalis na kami ng school para sa private naming bonding.

Kinain namin lahat ng klase ng streetfoods kasi baka di na namin yun magawa kapag pareho na kaming busy sa mga career namin after graduation.

Maya-maya ay may humintong kotse sa tapat namin. Si Mike.

Agad akong siniko ni Karen

"Lakas talaga ng pang-amoy mo Mike eh no? Para kang si Inuyasha, natagpuan agad si Kagome." sigwada ni Karen.

Hilaw naman na napangiti si Mike.

"Actually, gusto ko lang talaga kayong makita. Matagal-tagal din kasi na di tayo nagkita." sabi niya.

"Kami ba talaga o si Ara lang?" panunukso ni Loriele.

Napakamot nalamang si Mike sa batok. "Pauwi na ba kayo? Hatid ko na kayo."

"Sige. Pagabi na din kasi." sagot agad ni Karen.

Napa-iling ako at sumakay na.

"Salamat Mike ha?? Ingat kayo."paalam ko nang bumaba na ako sa tapat ng gate ng mansiyon.

Agad na akong pumasok ng mansiyon. Wala pa si Kuya, malamang ay di pa tapos ang laro.

Nagpalit nalang ako at humiga na muna, busog pa naman ako kaya di na ako kakain.

Nagbukas nalang ako ng facebook para sana magrelax ang kaso ngalang yung selfie ni Lyka ang tumambad sa newsfeed ko kasama si Kuya.

Ang dami talagang mga babaeng umaaligid sa kanya. At nagpa-selfie pa siya ha?? Tsk...

Ang lapad ng ngiti oh.. di lang ako nakapunta...well, di ko naman sila masisisi.

Ang dami na agad likes, si Kuya ang nagdala.

"Toktoktok"

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Bumaba ako sa kama niya at binuksan ang pintuan.

Si Kuya.

Naka-uniform pa, kakatapos lang siguro ng laro.

"Kanina ka pa?"  he asked.

"Kakarating ko lang din. Kamusta laro?" tanong ko din.

"Fine."

"Halata nga eh, may paselfie-selfie ka pang nalalaman." bulong ko at isasara na sana ang pinto nang pigilan niya.

"What's that?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Wala. Sabi ko magpalit ka na." sagot ko

"Mukhang masama yata ang timpla mo ngayon ah. May nangyari ba sa party na pinuntahan mo?"

"Wala nga." sagot ko at pumasok na.

Umalis na din naman siya. Nahiga ako ulit, saglit lang ay makakatulog na sana ako nang mag-ring ang phone ko

Forbidden Love (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon