ARA P.O.V
WALA sa sariling napasapo nalang ako sa tiyan ko. Di na ako nakapagsalita nang hilahin ako ni Karen, nandun din si Kevin na alam kong mas nagulat sa nadinig.
Para akong lutang nang itulak niya ako pasakay sa kotse ni Kevin. Di ko na alam, tila nabibingi ako sa takot. Wala na akong ibang nadidinig kundi ang kabog ng puso ko.
Nagmaneho na si Kevin, lunok lang ako ng lunok. Si Karen naman madilim ang mukha na di ako kinakausap.
Huminto kami sa isang clinic. Hinila ako ulit ni Karen papasok. Sinalubong agad kami ng babaeng doctor.
"Oh gabing-gabi na Karen ah."
"Yes Tita, pwede po bang... pacheck kung..." madiing napapikit si Karen. "Kung buntis si Ara?"
Napatingin ako kay Karen, di ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Kahit nga yung utak ko eh, di na din alam kung ano ang unang ipa-process eh.
Ngumiti ang doctor at hinawakan na ako sa kamay saka pinapasok dun sa office niya.
Di na ako nakapagsalita habang inaantay ang resulta ng test. Pero alam ko, positive yun. Buntis ako.
"Kamusta tita?" pasok nina Karen at Kevin, di ko sila matingnan. Nahihiya ako.
"Congratulations Iha. You're two months pregnant. " masayang wika ng doctor .
Dun na tila gumuho yung mundo ko,para akong binagsakan ng langit. Agad akong napa-iyak, tila gong na ume-echo sa pandinig ko yung sinabi ng doctor.
Buntis ako... Nabuntis ako ni Kuya. Anong gagawin ko ngayon??
"Haaah.. you're pregnant." matigas na pahayag ni Karen. I know, transparent ang disappointment sa mukha niya kaya di na ako nag-angat pa ng mukha. " Panu nangyari yun ha?? Wala ka namang boyfriend di ba?? Panung... panung... nabuntis ka?"
Humagulhol na ako. My god. Nakakatakot. Takot na takot na ako.
"Tell me Ara, sino ang ama niyan ha?" tanong niya sa akin. Iyak lang ako ng iyak, ni di ko nga maibuka yung bibig ko at kahit subukan ko man walang salita na lalabas sa mga bibig ko.
"Ano?? Iiyak ka nalang ba??! Iiyakan mo nalang kami? " galit na niyang tanong. Napatakip ako sa mukha ko.
"My god Ara!! Bakit di ka makasagot?? Ano??Na-rape ka ba?? Ano?? "
"Stop it Karen. Ako. .. ako yung ama ng .."
"Shut up Kuya!! Paanong ikaw ang ama eh..."
"Yeah. Alam kong mahirap paniwalaan but... but I forced her..."
SLAP!
"K-Karen..." anas ko nang madinig ko ang pagkakasampal niya kay Kevin.
"Anong sabi mo Kuya ha??!! Anong sabi mo??! " iyak na din ni Karen. "Bakit?? Bakit sa lahat ng lalake ikaw pa??! Alam kong mahal na mahal mo si Ara pero di mo dapat ginawa yun."
Tila sasabog na ako sa lahat ng nangyayari. Pakiramdam ko palaki ng palaki yung gulo.
"Mauna ka na muna sa sasakyan Karen. Kailangan lang naming mag-usap ni Ara."sabi ni Kevin.
Agad na umalis si Karen.
"Tahan na Ara baka makasama na yan sa anak mo."
"You don' t have to say that Kevin. Bakit ginawa mo yun ha??" iyak ko.
"Ara." sabay hawak niya sa kamay ko. "Ara handa akong maging ama diyan sa dinadala mo. Pananagutan ko yan."
Natigilan akong napatingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love (unedited)
RomantikMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...