Samantha's POV
Andito lang ako sa kwarto... nagmumuni muni nag iisip kung anong mangyayari bukas, makalawa o sa susunod na araw.
Nakakasawa na ang ganitong buhay. araw araw inaapi, araw araw pinagtatabuyan.
May kakambal ako, si Dianna, isang masipag at magpakumbabang tao gaya ko.. pero may pagkafriendly siya di gaya ko.
Marami na kong trauma sa tao, kagaya ng muntikan nilang pagkitil sa buhay ko. Nung nung grade six.
Pero di naman yun yung kaklase ko ngayong grade 8, pinsan ko siya na muntikan akong lunurin
*FLASHBACK*May outing kami ngayon... mga magkakaklase lang at isang teacher namin.
Nandito kami sa isang bahay ng classmate namin sa probinsiya nila.
Kasama ko ang pinsan ko at kambal ko.
" Sam tara!."
Aya niya sakin. Nakakapanibago ha. Halos araw araw niya kong binubully at ng buong klase, dapat nga di ako sasama ngayon kasi di ako pinayagan ni tita.
Si tita at tito lang ang pamilya ko ngayon. Wala na kasi ang mga magulang namin e, bago kami mag aral ay wala na sila, patay na.
Sabi nila tita at tito, namatay sila dahil sa sakit, nagkahawaan daw. Buti nalang di kami nahawaan dahil nung nagkasakit daw sila Mommy at daddy ay pinatira muna daw nila kami sa tita at tito ko.
Ngayon naman, nakatira padin kami sa tita at tito ko, sina tita anne at tito dadoy.
Actually, pinagtataboy kami ng mga kamag anak namin dahil namatay daw ang magulang namin dahil samin din.
Di kami naniwala kahit kailan. Di magagawa nang bata na pumatay. isang batang walang alam at malay.
Si tita at tito lang ang kakampi namin tutal wala naman silang anak.
"A-ako ba yung tinatawag mo bea?."
Mahinahong tanong ko.
" Oo naman! sino paba?."
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan niya ng malambot ang braso ko. Nagbago na ba siya?
" S-sandali lang bea, isama natin si Dianna..."
Tumingin siya sakin ng masama.
" Wag na. andun lang siya sa may kwarto sa bahay nina Jade."
Pagaaya niya.
Tumango nalang ako at sumundo sa kaniya.
Napunta kami sa 6 feet na pool pero di naman talaga dun, dun lang sa may sahig.
May takot ako sa tubig kaya napapalayo ako ng nakita ko yun.
" S-sandali... di ako marunong lumangoy Bea."
Pagpapatigil ko na ikinangisi niya.
" E bakit ka pa sumama dito?."
Maangas niyang tanong.
" Dagdag grade daw to sabi ni Maa'm."
Sagot ko.
Nagulat ako ng biglang may nagwisik sakin ng tubig mula sa pool at nakita ko si Filip.
" Langoy ka na... tignan mo arok ko."
YOU ARE READING
Twins Secret
Mystery / ThrillerA STORY OF A TWINS THAT ALWAYS BULLIED AT THEIR SCHOOL. They are just waiting for a karma until they know their secret. not just a secret but a dark secret. Humandang mangilabot sa storing ibibigay ko sa inyo.. vote, comment and follow hehe. " It's...