Chapter three

27 2 8
                                        


Samantha's POV


Di ko alam kung bakit ako dinala ng paa ko sa school na to imbis sa bahay.

Nagtatalo si cassandra at si Dianna ng nadatnan ko. Masyado nakong pagod kaya napahinto ako sa pinto at nagsalita. mahina lang.

" Tama na yan."

Yumuko ako.

 " S-samantha? anong nangyari sayo?."  

Aligagang tanong ni Dianna. Di ako sumagot at nanatiling nakayuko padin.

Sandaling natahimik ang lahat.

Katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kwarto. Walang teacher..

Wala may balak na sumagot.

Biglang lumapit sakin si Cassy.

" Wow! napatahimik mo ang bawat isa. Palibhasa kasi, natakot SILA, alam kasi nilang kakapatay mo lang ng kung sino. Feeling innocent."

Di ko alam kung pano niya nagagawang mag feeling innocent. Di niya ba naaalala yung pagkukunwari niya sakin noon na nagbago sa buhay ko. Di lang maliit na bago kundi malaki ang pinagbago.

Nagsisitayuan ang balahibo ko sa tuwing nagfifeeling innocente siya.

Sa tuwing gabi, iniisip ko kung pano siya nakakatulog ng maayos.

I mean, paano SILA nakakatulog ng maayos.

" Yep. Halata naman sa itsura niya ngayon... duh."

Dagdag at pag sang ayon ni AJ.


" Wag niyong ijudge yung kapatid ko!."

Nangagalaiting sagot ni Dianna.

"Hayaan mo na sila Dianna."

Saway ko.

Wala kaming panalo sa buong klase. 

" See? wala siyang masabi kasi totoo!."


Tumalikod ako at sumalubong sakin ang malakas na hangin.

Napahinto ako.

Wala ni isang nagsalita ulit.

Ano bang nangyayari.

Humarap ako sa buong klase at nakita ko ang nakapout na muka ni Dianna habang nanginginig ang mga kamao kasabay ng malakas na hangin at kidlat.

" Goshhhhh...umalis na tayo dito bago pa tayo saktan ng magkakambal."

Maarteng pagmamadali ni Aj.

Habang ang iba naming mga kaklase ay nagpapanic na.

Ganun ba talaga ang tingin nila samin?

" WALANG......AALIS."

Pigil ni Dianna na nagpataas nanaman ng balahibo ko.

Nagulat ako ng biglang sumarado ng malakas ang pinto kahit wala namang tao dun.

Umaanggi nadin ang hangin na may kasamang ulan sa loob ng kwarto. At halos matangal na ang kurtina sa lakas.


Eto ba ang galit ni Dianna?

Eto na ba yun?

" OMHAYGHADDDDD! UMALIS NA TAYO."

Lalo silang nag panic ng nagbagsakan ang locker sa likod.

Di ako makagalaw. Tila napako ang mga paa ko.

Twins SecretWhere stories live. Discover now