Prologue

3 0 0
                                    

You are fired!

Paulit-ulit kung naririnig ang mga salitang hindi ko nais na marinig. Hindi ko alam kung bakit kailangang humantong sa puntong mauuwi sa ganito ang lahat. Inihinto ko na ang aking sasakyan at bumaba na rito. Kinuha ko lahat ng gamit ko sa sasakyan mula sa opisina. It's almost 10 na rin nang matapos akong ipasok lahat ng gamit. Napag-isipan kong magluto muna ng noodles dahil sa gutom na naramdaman ko.

Pagkatapos kong magluto ay pumunta na ako sa lamesa at agad humigop ng sabaw para mainitan ang sikmura ko. Bigla na lamang akong natulala at napaisip na bakit ako pa yung inalis sa dami ng bagay na nagawa ko sa company na iyon. Napakaunfair talaga ng buhay! Dahil sa inis ko ay ibinagsak ko ang kutsara at hindi ko na inubos ang kinakain ko.

I turned on the television but then I turned it off din dahil wala na rin naman akong magandang mapapanood sa mga oras na ito. Tinignan ko ang kalat ko at napakamot na lang at sinabi sa sarili na bukas ko na lang ito aayusin. I switched off the light sa ibaba at tumungo sa itaas. Daily routine ofcourse. Wash ng face, toothbrush at kung ano-ano pa at dumiretso muna ako sa terrace.

Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Pero pinipilit ko na maiba ang iniisp ko. Nilibot ko ang aking paningin sa kinaroroonan ko at nagitla ako nang makita ko ang isang anino sa may puno na malapit sa sasakyan ko. I tried to open my eyes nang sobra para makita ko pero 'di ko talaga ito makilala. I opened my phone at tinawagan ang head office ng village para ipacheck sa kanila kung sino iyon.

"Kuya, pakibilis na lang po, okay po? Sige po," then I ended the call. Patuloy pa rin ang nararamdaman kong kaba. Hindi na ako mapakali kung kaya't tinawagan ko sila ulit and sa pagkakataong ito'y biglang nawala ang signal kung kaya't mas lalo na akong kinabahan. Pumasok na lang ako sa loob at isinara ang pinto ng terrace at ibinaba ang curtain.

I went downstair at tinignan kung nakalock na ang lahat ng pinto at tumakbo na ako papunta sa itaas then tinignan ang room nina Mommy kung nakalock ang bintana at pumunta na ako sa room ko then I locked the door.

Napanatag na ang kalooban ko nang magtext sa akin ang officer-in-charge at sinabing nacheck na nila ang place at sinabing baka guni-guni ko lang yun. Baka nga. Pumunta na ako sa higaan at huminga nang malalim at ipinikit ko na ang aking mga mata. Maya-maya'y nakarinig ako ng ilang mga kakaibang sigaw, na siyang aking ikinabahala. Tila ba sila'y may pinagmamakaawaan.

Maawa ka sa akin. Huwag mo itong gagawin sa akin!

Nagmamakaawa ako, mahal ko pa ang buhay ko!

Please! Huwag!!

Nagising ako sa mga sigaw na naririnig ko at sa pagmulat ng aking mata'y naramdaman ko ang aking sarili na nakatali sa isang higaan. Pinilit ko na kumalas mula rito ngunit sobrang higpit nang pagkakatali at nauubos lamang ang aking lakas. Sumigaw ako nang sumigaw na nagbabaka-sakaling may makarinig sa akin.

Napahinto ako sa pagsigaw nang makita ko ang isang anino na papalapit sa akin. Hindi ko ito makilala ngunit nagulat ako nang tamaan ng liwanag ang kanyang mukha. Isang babaeng may mahabang buhok at ang kalahati ng kanyang mukha ay sunog.

"Kahit anong sigaw ang gawin mo'y walang makakarinig sayo!" sabay halakhak nito. Nakakatakot ang kanyang halakhak na animo'y isa itong demonyo. Lumapit ito sa akin at idinampi nito ang kanyang daliri sa aking pisngi. "Kamusta ka? Masyado bang masakit at malungkot ang kapalaran mo?" wika niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," at iginalaw ko ang aking mukha upang maalis ang kanyang daliri sa aking mukha. Tumawa na naman ito nang napakalakas. "Kung sino ka man, bakit mo ito ginagawa sa akin? Sino ka? Anong kaila-" hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi ay sinagot na niya ako.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan? Anong ginawa mo sa akin kung kaya't kailangan ko itong gawin? Sino ako? Nasunog lang ang kalahati ng aking mukha, hindi mo na ako kilala? Halika, ipakikilala ko sayo kung sino ako," nanghina ako sa paghawak niya sa akin. Tinanggal niya ako sa pagkakatali at hinawakan sa aking buhok at inalabas sa silid na kinaroroonan ko. Ginamit ko ang pagkakataon na ito upang makawala sa kanya. Sinuntok ko ito sa mukha at itinulak at tumakbo ako palayo sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Sinampal-sampal ko ang aking sarili na nagbabaka-sakaling isa itong bangungot ngunit hindi ito tumatalab. May nakita akong isang pinto at dumiretso ako roon. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong ibang makita kundi..

"Ahhh!" lumabas ako roon at dumiretso kung saan ako nanggaling at pagdating ko roo'y wala na ang babae. "Sa oras na ika'y manlaban pa. Magiging katulad ka rin nang nakita mo," sambit ng isang tinig sa aking likuran at hinampas ako nito na naging dahilan upang mawalan ako ng malay.

---

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Naramdaman kong hindi lang ako nag-iisa sa lugar na ito. Hindi rin ako nakatali ngunit nararamdaman ko ang kirot mula sa hampas na ginawa sa akin kanina. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tama nga ang aking kutob, hindi lang ako nag-iisa rito. May apat na tao akong nakitang nakahandusay rin.

Tinignan ko muna ang aking paligid at nang malaman kong wala siya rito'y lumapit ako sa isa sa mga nakahandusay. "Miss? Buhay ka pa ba? Hello?" niyugyog ko ito nang ilang beses at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ito.

"Elizabeth?"

"Celestia?" at niyakap ako nito habang umiiyak. "Anong ginawa mo rito?" sinabi ko na 'di ko alam at pagmulat ko'y narito na ako. Tinanong ko rin siya at iyon din ang kanyang isinagot. Nagkamalay na rin ang ilan pa sa mga kasama naman dito.

"Samuel?" bakas sa mukha ni Elizabeth ang pagtataka. Tinanong niya rin ito at sinagot niya rin ito gaya ng sagot ko. "Ang mahalaga muna sa ngayo'y makatakas tayo rito," wika ko sa kanila. Tumayo kaming lima at naghanap nang maaaring maging daan namin para makalabas dito.

"Dito!" sigaw ng kasama namin kung kaya't tumakbo kami patungo roon. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon ito ay nakalock. Hinampas namin ito ng ilang beses pero hindi pa rin umubra ang lakas na iyon.

"Dito! Bukas ang pinto rito!" nakita ko si Elizabeth habang nakaturo sa pintong tinutukoy niya. Tumakbo kami papunta roon. Naging maluwag na ang aming pakiramdam dahil makakatakas na kami. Hinawakan ko si Elizabeth sa kanyang kamay habang tumatakbo palabas.

Pabilis nang pabilis ang takbo namin. Nararamdaman ko ang malakas na pag-ihip ng hangin. Ngunit hindi kami nagpatinag at tumakbo pa rin kami patungo sa pinto na magdadala sa amin palabas ng asylum na ito.

At iyon na lamang ang huling bagay na naaalala ko. Wala ng iba. At hindi na ako maghahangad na muli pa akong makalalabas dito. Dahil dito na ako mamamatay at dito na rin ako marahil pagtatabunan ng panahon. At muli kong ipinikit ang aking mga mata, nagbabaka-sakaling maging daan ito upang bumalik ako sa dati. Ngunit hindi na. Hindi na ako makababalik sa dati.

End of Prologue

Dead Asylum: The RemainingsWhere stories live. Discover now