Chapter 1

2 0 0
                                    

Sydney's POV

"Okay, guys? Please, pack all your things now. We are leaving any moment from now," wika ni Charlotte sabay alis at dumiretso na rin ito sa kwarto niya.

"Parang napakabilis naman ng out of town natin! Nakakabitin!" sambit ko naman saka pumunta sa may closet at kinuha ang mga gamit ko roon. Hindi pa man lumalabas sa kwarto si Sophia ay narinig ko nang tinatawag ako nito at nakapang-alis na rin siya.

"Sydney? Nakita mo ba si William?," umiling lamang ako sa kanya. "Ahmp, sige, if ever na makita mo siya or pumasok siya pasabi namang nandoon na ako sa sasakyan, okay?" pasuyo nito sa akin at tinanguan ko lamang ito. Dumiretso na ako sa toilet para magpalit at kuhanin na rin ang mga gamit namin doon. Natapos na akong mag-ayos kaya naman inilabas ko na ang mga ito at inilagay sa sasakyan.

Isa-isa kong nilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Nakita kong nandito na rin pala ang gamit nila. "Sophia? Nakita mo na si William?" tanong ko kay Sophia na nakapwesto na sa unahan. "O-o," sagot naman nito nang hindi man lang tumitingin sa akin. Sa pagsasalita pa lamang niya ay alam kong umiiyak ito, siguro may pinag-awayan na naman sila ni William.

Natapos na ako sa pag-aayos sa mga gamit ko. Hindi pa naman kami aalis kaya naisipan ko munang pumunta sa may dalampasigan para na rin magpicture-picture. Ang sarap ng simoy ng hangin sa lugar na ito, hindi siya ganoon kapolluted gaya sa Manila. Ang sarap siguro ng buhay rito, may bahay ka malapit sa dagat, tapos kasama mo ang pamilya mo. Gusto ko nang ganung pamumuhay. I know someday it will happen.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin at alam kong si Noah ito. Naramdaman ko ang paghalik siya sa aking pisngi. "Noah? Tignan mo, ang ganda diba? Gusto ko someday, ganitong-ganito ang buhay ko," tinignan ko si Noah ngunit hindi naman ito nakatingin sa tinuturo ko.

"Why are you staring at me like that?" tanong ko sa kanya. "Kasi iniisip ko na ang tanga ko kung pakakawalan ko pa ang isang babaeng katulad mo. Sabihin mo man na maganda ang isang lugar o isang tao, for me, ikaw pa rin ang pinakamaganda at walang makapapantay roon," wika niya sabay hawak sa aking baywang and he kissed my forehead.

"Kahit kailan talaga mapagbiro ka pa rin," sabay tawa ko sa kanya and I hugged him super tight. Narinig kong tinatawag na kami kaya pumunta na kami sa sasakyan and pumuwesto na kami.

"Are we all here?" sabay tingin sa likod ni William. Then we all said yes. Pinaandar na ni William ang sasakyan at umalis na kami sa resort. Ilang araw rin kami rito pero parang ang bilis lang nang pagbisita namin dito. "Ingat po kayo, Sir William and friends!" sambit ni Manong Roy sa labas habang kumakaway sa amin.

At tuluyan na kaming pumasok sa highway pabalik sa Manila para muli naming harapin ang reyalidad ng buhay.

---

Nakatulog na pala ako. Mahigit tatlong oras na rin kami sa byahe pero wala pa rin akong matanaw na siyudad. Siguro masyadong mabagal ang pagpapatakbo ni William. Naisipan ko munang mag-unat, napansin kong tahimik pa rin si Sophia pero naririnig ko ang mahina nitong hikbi. Gusto ko siyang kausapin pero not now maybe later.

"Ahmp? Charlotte? Pwedeng pakicheck yung mga gamit na dinala natin na hiniram natin kay Mommy?" biglang sambit ni Sophia at agad namang kumilos itong si Charlotte.

Camera? Check.

Charger? Check.

Mga pasalubong para kanila Mommy and Daddy? Check.

Trust and Faith? Napakamot na lang sa ulo si Charlotte nang marinig ang sinabi ni Sophia. Napansin kong bahagya itong nakatingin kay William and alam kong alam ni Charlotte ang nangyayari.

Dead Asylum: The RemainingsWhere stories live. Discover now