Charlotte's POV
Halos 20 minutes na rin kaming naglalakad pero wala pa rin kaming makitang lusutan sa gubat na ito. Mapamaliit na bahay, kubo, highway wala talaga. I decided na maupo muna sa may gilid ng puno para magpahinga dahil sa sakit ng paa ko.
"Sorry guys. Pero siguro dapat 'di na lang talaga tayo tumuloy," wika ko sabay punas ng mga pawis na sunod-sunod ang pagpatak.
"Kaunting lakad pa, Charlotte. Wala pa namang isang oras and malay mo nasa dulo pala ng gubat na ito yung hinahanap natin," sambit naman sa akin ni William sabay abot ng isang panyo.
"I don't need this," inihagis ko sa kanya ang panyong ibinigay niya at muli akong tumayo sa kinaroroonan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad na hindi man lang sila tinitignan kung sinusundan ba nila ako.
"Magdahan-dahan ka sa paglalakad, Charlotte. Bak-"
"Ahhh!" nagpatuloy ang pagdausdos ko at namalayan ko na lamang na bumagsak ako sa isang batis. Shet! Napasigaw ako dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa akin. "I told you, be careful," pang-aasar ni William sabay iling nito at ang iba nama'y nagtawanan lang.
Sumunod sila sa kinaroroonan ko para tulungan akong tumayo but I didn't mind them at tumayo ako mag-isa. Pinagpag ko ang suot ko at hinugasan ang putik sa aking paa at katawan.
"Siguro, maglakad tayo hanggang sa barrier na iyon. If wala talaga, bumalik na tayo," sambit ni Benjamin sa amin.
"What if mayroon palang mga tao sa pinakaunahan nito?" Lucas.
"We don't know. Maggagabi na at saka masyado nang malayo ang lugar na iyon," sagot naman nito.
"Charlotte, bilisan mo na riyan para naman makita na natin ang lugar," tinapos ko na ang pagbabanlaw ko at ipinagpatuloy na namin ang pagpunta roon sa barrier.
Hindi na ganoon katirik ang araw. It's almost 4:30 na rin kaya hindi na ganoon kainit. Malapit na kami sa barrier, nakita ko sila Benj at Liam na nasa unahan na. Nang bigla silang sumigaw at minamadali kaming pumunta sa pwesto nila.
"Anong mayroon diyan?" sigaw naman ni James.
"Bilisan niyo na lang!" Liam.
Tumakbo na sina William at James, samantalang ako? Dahan-dahan sa paglalakad dahil sa sobrang sakit ng paa ko.
At nakarating na kami sa dulo ng barrier. Nagulat ako sa nakita ko, hindi ko aakalain na mayroong ganitong uri ng bahay sa dulo ng kagubatan.
"What is this place?" I uttered.
"We don't know. Maybe this is a house of a witch?" pabirong wika ni James.
"Tumahimik ka, okay?" tinaasan ko ito ng kilay.
"Guys, you know, para masagot ang mga tanong niyo, why don't we go inside?" Benj.
"What the hell, Benj? Can't you see? The place is so creepy and you want us to go inside?! Mag-isa ka na lang! I'm going back, bitches," tinalikuran ko sila at akmang aalis na ako pabalik ay biglang sumabat itong si Lucas.
"What if yung kailangan natin ay nandito sa loob? Charlotte, maggagabi na. Kung sa tingin mo there are ghosts inside, fine! Pero mas mapanganib kung sa kalsada tayo mamamalagi," wika naman nito at bigla itong lumapit sa akin.
"If you don't want to stay in this place, then go back there, call the others and stay there!" ikinagulat ko ang pagsigaw nito sa akin.
"Okay, fine! Just remember this, Lucas. Once na may mangyari sa atin sa loob, ikaw ang mananagot!" tinulak ko siya palayo sa akin.
YOU ARE READING
Dead Asylum: The Remainings
Mystery / ThrillerOne event will hunt their lives forever until they all die and no one lives. Be careful because death is coming. Akala nila'y tapos na ang lahat, ngunit nagkamali sila dahil ito'y nag-uumpisa pa lang.