☕ Chapter 1

12 0 0
                                    

Chapter 1...

I was sitting on the single couch while a coffee cup in my hand. Nakatanaw lang ako sa bintana ng coffee shop habang pinapanood ang mga taong nagtatakbuhan dahil sa biglaang pabuhos ng ulan.

Kalagitnaan ng July ngayon. Panay bagyo na, kaya hindi ko maintindihan kung bakit may mga tao paring hindi napaghandaan ang ulan.

"Hindi ba sila nakapanood ng weather report kaninang umaga?" tanong ko sa sarili ko.

"Hey, Sept. Kanina ka pa?" tanong ni ate na naupo sa bakanteng seat sa harapan ko.

"Not really."

"Ang weird ngayong araw na 'to." turan nya.

"Bakit mo naman nasabi?"

Nagkibit balikat sya. "Wala lang." tumayo ito.
"I'll order my coffee. Napaka-thoughtful mo kasi, hindi mo ako in-order-an."

Nag-makeface lang ako. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalapit sya sa counter.
Then a couple caught my eye.

Nakakatuwa silang dalawa dahil ang sweet nila sa isa't-isa. Maganda 'yung babae. Siguradong ganon din ang boyfriend nya, nakatalikod kasi ang lalaki sa direksyon ko.

Napatingin sa akin ang babae kaya naman nag-iwas ako ng tingin bago napangiti. Kamusta na kaya ang boyfriend ko. Busy nanaman siguro.

Bumalik si ate, hawak nya ang coffee mug na puno ng caramel macchiato.

"Nag-aadik ka ba sa kape ngayon, ate ?" grabe kasi ang laki ng mug. Akala mo 'yung mug ng beer.

"Kailangan ko 'to sa buhay." uminom sya. "nasaan ang jowa mo?"

"Ewan, hindi pa nag-t-text eh. Baka busy parin. Alam mo naman, masyadong masipag 'yun. Pinaghahandaan yata ang proposal nya sakin." nakangiting nangalumbaba ako.

"You wish." wika nya naman sabay irap.

Bitter talaga 'yan. Paano, trenta na pero wala parin s'ya kahit boyfriend man lang.

"Nakakainis ka talaga. Nagpasama ka sa akin dito tapos ako parin ang nagbayad ng kape ko." nakabusangot na turan nya.

"Wala pang sahod. Next time nalang."

Umingos sya. "Tsss, tapos two months ka nanamang hindi magpaparamdam !"

Nagpeace sign ako. "Busy din kasi ako."

"Lagi ka namang busy. Para kang boyfriend mo."

"Kaya nga bagay kaming dalawa."

"Tapos nag-iilusyon ka pang magpo-propose sya sayo? Duh, September. Ilang taon ka na ba ? 27 ka na !"

"'Wag ka nga d'yan, ate. Napaka-supportive mo talaga ! Akala mo naman hindi ka napapag-iwanan, mag-boyfriend ka na nga !"

"Hindi ka masasanay sa pagiging ganito dahil lagi kang wala." she sipped on her coffee mug. "Isa pa, hindi pa dumarating si Pag-ibig."

Tiningnan ko lang si Ate, tapos lumingon din ako sa bintana. Umuulan na ng malakas sa labasan. Napahinga ako ng malalim, I roam my eyes outside hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang pamilyar na mukha.

Napakunot ang noo ko habang tinitingnan ang kilos ng taong 'yun na may kasamang babae. Magkasukob silang dalawa sa payong. Napatiklop ang kamao ko nang magsimulang maglakad ang mga ito patungo sa cafe kung nasaan ako.

Si ate, mukhang sinundan ang tingin ko kaya nakita din nya ang nakikita ko ngayon. Tahimik lang kami habang tinitingnan ang dalawang taong kakapasok lang sa cafe, tumatawa pa ang mga ito at halatang napakasaya nila.

Coffee (BTS Jungkook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon