"Oh, there you are. I've been waiting for you."
Si Sir Romualdez na halatang masama na naman ang timpla dahil sa itsura ng pag mumukha niya ngayon. Mapapagalitan pa ata ako.
Nabanggit sa akin ng co-scholar ko na ipinapatawag nga daw ako sa Scholar's Office. May pag-uusapan daw kami ni Sir. Hindi ini-specified kung ano iyon, basta importante daw. Sabagay, hindi na din naman kailangan, may idea na ako patungkol sa kung ano ang sasabihin sa akin ng head ng mga scholar.
"Gusto niyo daw po ako makausap."
Nanatili lamang akong nakatayo sa tapat ng lamesa ni Sir habang nag aabang sa sasabihin niya sa akin. Paiba-iba ang ekspresiyon na nakikita ko sa mukha ni Sir. Naiinis tapos biglang mapapakamot ng ulo at bubuntong-hininga. "Yes. May gusto lang naman akong itanong sa'yo, Chase. You may sit down." Tumango ako sumunod ngunit bahagya palang akong nakakaupo ng mag salita na ulit siya. "Did something happen between you and Ms. Lorenzo?"
Sabi ko na eh.
Lorenzo.
Hindi ko mapigilan makaramdam ng lungkot ng marinig ko ang apelyido na iyon. Kusang lumipad ang isip ko pabalik sa mga nangyari kamakailan sa amin. Kahit na parang may mga libo-libong tumutusok sa dibdib ko ay pinilit ko na lamang mag focus kay Sir Romualdez.
"Wala naman, Sir. Bakit po?" Patay-malisya ko na lamang. Hindi naman ako pwedeng mag sabi ng totoong dahilan. Napabuntong-hininga na naman si Sir at halatang hindi naniniwala.
"She was here a while ago. Nag-usap din kami. Apparently, she wanted to stop the tutorial. Really, What's going on, Chase?"
Parang piniga bigla yung puso ko. Alam ko namang dadating itong araw na 'to. Nagtataka pa nga ako kung bakit pinaabot niya pa ng isang linggo simula ng huli kaming mag-usap bago siya nag report sa Head ng Scholar's Office.
Hindi ako nagsalita kaya nag patuloy si Sir Romualdez.
"I've told her we have to wait for the final evaluation from Dean Bernal. I'll have to ask her father first too, of course. Syempre, your suggestions are to be considered as well." Humalumbaba siya at mula sa kaniyang suot na salamin ay pailalim akong pinag masdan. "Ilang weeks nalang final exams na. Bakit ngayon pa nagkaroon ng problema?"
Kanina pa ako nag-iisip sa kung anong magandang ida-dahilan ko, pero hindi talaga gumagana ang utak ko ngayon kaya nagkasya na lamang ako sa pag gawa ng kwentong sa tingin ko ay kapani-paniwala naman. "Eh Sir, siguro kasi kaya niya naman na iyong mga lessons nila. Tinanong ko po kahapon kay Dean Bernal yung result ng semi finals ni Andrea, okay naman daw po. Hindi niya na kailangan ng tutor."
Hindi niya na ako kailangan.
"You do know that's not how it works, right? Like I've said, we have to wait for the evaluation first. Kakausapin ko pa si Mr. Lorenzo. You know who he is? He's basically the one funding the Scholar's Office, if not, the whole school. Worst case, magka-problema pa tayo sa kaniya. That's his daughter we're talking about." Kapag nagkataon ba ay kawawa ang aabutin namin ng mga kapwa scholar ko na umaasa lang sa libreng paaral ni Mr. Lorenzo? Pero, hindi naman siguro siya ganoong klase ng tao, diba? "That's why when Ms. Lorenzo asked for an alternative, I had no choice. I'm so sorry, Chase. She asked for a replacement scholar."
BINABASA MO ANG
QBMNG (BOOK 2) UNDER REVISION 🏳️🌈
Подростковая литература| QBMNG BOOK 2 | Note: UNDER REVISION.