P7: Sleep Over 2

3 1 0
                                    


Zeleen's POV

Pagkababa nila sinabi ni Benj na oorder daw siya ng pizza for our midnight snack.

Pagkatapos ko uminom ay nagpunta na ako sa sala. Nakita ko na papunta sa direksyon ko si Ice kaya gumawa ako ng paraan para magkalayo kami.

Beb ayusin ko lang gamit namin ni Thania sa taas. Tawagin nyo na lang ako kapag ka andyan na yung snacks ... Paalam ko kay Klarhiz at tumakbo na pataas ng hindi inantay ang sagot niya.

Maya maya lang ay sumunod si Thania sa akin at tumulong sa pag-aayos ng gamit namin.

Beb parang iniiwasan mo si Ice ah. May problema ba?

Beb alam mo naman na sa umpisa palang may problema na yun sa utak tss.

Weeeh. Baka kinikilig kalang kanina. Yieeeee.

Beb tigilan mo ko ah!

Eh bakit ka ngumingiti! Yieeee!

Sabi ni Thania. At di ko namalayan na ngumingiti na pala ako mag-isa.

Natatawa kase ako sayo hahaha! Hay nako! Tulungan mo nalang ako dito. Lagay mo itong underwears natin dun sa cabinet tapos ilalagay ko lang itong bags natin sa kabilang kwarto.

Hahaha! Sige.

At lalabas na sana ako pero biglang sumulpot si Ice sa unahan ko kaya na out of balance ako. Inaantay ko na lumanding ako sa lapag pero hindi ako lumanding. Dumilat ako at nakita ko ang mukha ni Ice. Hawak niya ako sa beywang.

Ehem..

Kung hindi pa nagparamdam si Thania. Hindi pa kami makakaayos ng tayo ni Ice.

Mag-iingat ka kasi sa susunod. Halika na nga tulungan na kita jan. Ahm Thania andun na yung snacks.

Ah sige mauuna na ako. Beb sunod nalang kayo.

Sabi ni Thania at nagmamadali ng bumaba.

Tara na. Para makakain na din tayo.

At nauna na siyang naglakad papunta sa kwarto. Yung kwarto na iyon ay extra room nila Klarhiz. Kaya dun namin nilalagay ang bags namin ni Thania kapag nag-isleep over kami. Actually may king-sized bed pa nga doon eh. Sa pagkakaalam ko dati doon natutulog ang maids nila. Ngayon sa iba na.

Ibababa ko na sana ang bags na dala ko sa gilid ng kama pero nagka-banggaan kami ni Ice at natumba sa kama. At ngayon ay nasa ibabaw ko siya. Tinititigan ako.

Ahm. Ice? Baka gusto mo na umayos.

Ahm ay sorry.

At nagmadali na siya sa pag-ayos at nauna ng bumaba sa sala. Pagkalabas niya ay sumunod na din ako dahil nakaramdam na ako ng gutom.

Beb! Dito ka! Tabi tayo. -Thania

May mauupuan pa ba ako na iba? Wala na naman.

At umupo na ako sa pagitan nina Thania at Ice.

After namin kumain ay napag-pasyahan nina Benj at Ice na shoshot lang daw sila.

Kami din! Shoshot din kami! Konti lang!

Sabi ni Klarhiz.

Tara! Tara Beb!

Pag-aaya naman sa akin ni Thania.

Tumango nalang ako bilang sagot dahil ayoko naman maging KJ tutal shot lang naman daw eh.

Eye Will Be Your Ice (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon