P12: Panaginip

2 1 1
                                    

Zeleen's POV

Beb. Gising na.

Tanghali na pala. Kung di pa ata ako ginising ni Thania di pa ako magigising. Masyado ko ata dinamdam yung panaginip ko. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako sa panaginip ko or maiinis or matatakot. Ewan ko ba ang gulo sa pakiramdam. Ang nangyari kasi sa panaginip ko...

*Kring! Kring! Kring!*

Hello beb! Asan ka na?

Sandali malapit na ako.

Bilisan mo mag-istart na yung program.

Oo malapit na ako.

May jamming kasi kami sa isang restaurant malapit sa bahay nina Thania. Nauna na si Klarhiz kasi siya ang mag-oorganize. Si Klarhiz ang vocals namin. Ako at si Thania naman ang sa guitar. At ang drummer namin si Benj. Si Klarhiz na ang nag-end ng call kaya nilagay ko na sa gilid ko ang phone ko. Bago ko pa maibaba ang phone ko nakarinig ako ng isang napakalakas ng busina. Paglingon ko ulit sa unahan ay nakita ko ang isang malaking truck na nasa unahan. Bago ko pa maapakan ang brake ay sumalpok na ng napakalakas ang kotse ko sa truck at nabasag ang windshield ko. Pagtingin ko nalang salamin ko ay puro dugo na ako sa mukha. In a few seconds, I faint.

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng hikbi. Hikbi ni Klarhiz at Thania ang naririnig ko. Ginalaw ko ang kamay ko para malaman nilang gising na ako. 

Beb! Hey! May masakit ba sa iyo? -Klarhiz

Beb! Gusto mo ba kumain? Ano gusto mo? -Thania

Hey! Take it easy! Buksan nyo nga yung ilaw! Ang dilim-dilim kaya.

Beb... Naiiyak na sabi nila. Ano ba meron? Takot na ba sila sa ilaw ngayon?

Hanggang sa umiyak na nga sila.

Zeleen.

Narinig ko ang boses ni Ice. Andito din pala sya.

Zeleen. The doctor said that you are temporarily blind. The doctor said it only takes 3 to 5 months. But if you always do the advices of your doctor, mas mapapabilis ang paggaling mo.

Explain sa akin ni Ice. Di ko namalayan na habang nag-eexplain pala siya umiiyak na ako.

Beb! Stop crying! Gagaling ka! Narinig mo naman di ba si Ice. It only takes 3 to 5 months. Mabilis lang yun! Don't worry andito naman kami ni Thania for you eh.

Sabi sa akin ni Klarhiz. Tahimik lang ako na umiiyak habang nakahiga.

Bakit ba kasi ang careless ko!

Bakit ba kasi napakabilis ng pagpapatakbo ko!

Bakit ba kasi di ako tumitingin sa kalsada!

Andaming bakit na pumapasok sa utak ko. Mga bakit na naghahanap ng matinong sagot.

Sana  nag-ingat ako.

Sana natapakan ko agad ang brake.

Edi sana nakikita ko pa sila.

Habang tahimik kaming lahat, narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Ms. Santiago, mabuti naman at gising ka na. -Si doc pala ang dumating.

 Siguro naman ay nasabi na nila sayo ang iyong kalagayan. By the way, hindi ka pa pwede lumabas ng ospital. May gagawin pa kaming ilang tests after that tsaka ka palang pwede ng makalabas ng ospital.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eye Will Be Your Ice (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon