Ang sakit

15 0 0
                                    

Naranasan nyo na ba?
Na balikan ang nakaraan?
Hindi noh?
Kasi hindi naman talaga pwede balikan ang nakaraan.
Pero nagagawa  pa din natin balikan :(
Kaya tayo nasasaktan eh.
Kasi yung tapos na, pilit natin hinihila sa kasalukuyan.
At sa huli, ika'y iiyak at luluhod sa kinabukasan.
Ang daming nagsasabi,
Masarap magmahal.
Masarap ba talaga?
Masarap magmahal kapag masaya,
Puro ngiti, harutan at tawanan.
Pero sa ihip ng oras at panahon,
Dumadating sa punto na ang puso ay mawawasak.
Wasak?!
Oo nawasak.
Na naihahalintulad sa isang baso.
Maganda, makinis, buo.
Pero kapag nasagi na dahil hindi iniingatan,
Wasak na.
Puso kasi ang nagmamahal eh,
Hindi utak.
Naaalala ko pa,
Mga araw na walang kalungkutan,
Puro kilig at imahinasyon lamang ang tumatakbo sa mundo natin.
Nalibang tayong dalawa
Oo tayong dalawa.
Ikaw at ako lamang
Saya grabe... ang saya saya.
Pero ang saya ay napapalitan ng pagdadalamhati,
Na didibdibin natin kapag tayo ay nadali.
Iiyak, iiyak, iiyak.
Uupo sa isang sulok at iiyak.
Makikinig sa isang musika,
Na ang bawat liriko ay para sa iyo.
Humahagulgol bawat gabi,
Na ang tanging laman na lang ng puso ay sugat.
Walang panlunas,
Kasi ito ay isang karamdaman.
Karamdaman na ikaw lamang ang may alam.
At huhusgahan kapag nalaman ng iba.

Tula Para SaiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon