Tumingin ako sa mga bituin sa langit,
Tinatanong kung sapat ba ang desisyon ko.
Minsan sabi ng puso ko oo,
Minsan hindi.
Nahihirapan na ako.
Sobra na akong nahihirapan.
Kahit hirap ka na, ang problema di mo mabitawan.
Gusto ko pa magmahal,
Takot na nga lang masaktan.
Natatakot ako na baka iwan mo nanaman ako,
Natatakot na bumalik ang nakaraan.
Pero isa lang ang dahilan,
Kasi nagmamahal ka.
Totoong pagmamahal.
Naiinis ako sa imahinasyon ko.
Naiisip madalas na,
Naglalakad ka magisa,
Habang umiiyak
Dahil dinurog ang damdamin mo.
Lumingon ka,
At nasilayan mo silang dalawa na masaya
Habang ikaw ay nagiisa.
Na ang tanging dapat mo nalang gawin ay tanggapin.
Tanggapin ang katotohanan na hindi ako para sakanya.
Na ginamit lamang ako ng tadhana para maging masaya siya,
Habang ako ay lumisan at umiiyak.
Ngiti na dapat ikaw ang may hawak,
Napunta sa iba.
Ganun ako katanga.
Napakahapdi. Sobrang hapdi.
![](https://img.wattpad.com/cover/150802360-288-k618301.jpg)