Ang sakit (2)

12 0 0
                                        

Ilang araw ako umiyak,
Para sa ikabubuti ng nararamdaman ko.
Nagiging maayos,
Nagiging maligaya muli ako.
Pero sa kaloob-looban,
Durog pa din ako.
Ginawa ko na ang lahat,
Mga bagay na pinagkatiwalaan ko noon,
Mga paraan na ginawa ko para lang hindi tayo magkahiwalay.
Naaalala ko,
Sinabi mo na ako lang ang mahal mo.
Ako lang ba talaga?
Tanga ko.
Naniwala agad.
Kesong keso ka sakin,
Habang ako ay nagpapabola.
Bakit? Inaamin ko.
Oo naging tanga ako,
Kasi minahal kita. Na hanggang ngayon ay naghahangad pa din ng pagasa.
Pagasa na wala na makakasira sa pagsasama natin.
Pagasa na wala na ako akong aalalahanin.
Bakit ganoon?
Pag nagmahal dapat masaktan.
Nagmahal pa tayo, masasaktan din lang pala.
Buti pa yung ibang babae,
Ang masakit lang sakanila ay puson,
Samantala ako puso.
Puso! Puso! Puso!
Jusko!!!
Umayos ka puso ko,
Pati na din ikaw utak ko.
Sa tuwing hinahalungkat ko,
Ang mga masasayang araw nating dalawa,
Nasasaktan ako.
Kasi hanggang sa utak mo nalang mararamdaman iyon.
Hindi na sa personal.
Kasi marami nang nagbago.
May mga oras na dumadating ka sa punto na,
Okay ka na. Pero babalik siya :(
Hindi mo siya pinayagan bumalik.
Umayaw ka.
Hinayaan mo na siyang umalis.
Pero sa ilang saglit,
Sasabihin mo din na,
Ay... gusto ko pa pala.
Ang hirap talaga. Para kang nasisiraan ng bait.

Tula Para SaiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon