SEEN THE UNSEEN FEELINGS

8 1 0
                                    

Habang lumalaki ako at nagkakaisip unti unti kong nadidiskubre na nakakakita ako ng mga unseen feelings ng mga tao.
Nakikita ko pag malungkot sila kahit tumatawa.
Nasasaktan pero nagpapanggap na masaya.
Nagpapanggap na mahal niya kahit hindi naman talaga.
Paano ko nakikita?
Nakikita ko sa mga mata nila ang totoo once na makita ko ang mata ng isang tao nakikita ko ang tunay na nararamdaman neto sa mga oras na tinitigan ko ang mata nila at para bang may nakabalot na mga enerhiya sa katawan nila na tumutukoy sa kung anong nararamdaman nila tila ba my mga kulay ang mga ito kaya madali kong nalalaman kung malungkot,masaya,nasasaktan, napapagod,nagmamahal,nagsisinungaling etc.
Basta lahat ng klaseng emosyon na pedeng maramdaman ng isang tao ay kaya kong makita.
Hindi ko alam kung saan ko namana o nakuha ang ganung klaseng abilidad hindi ko alam kung paano ito nagumpisa basta ko na lamang siyang natuklasan nung gusto kong makita ung iniisip ng crush ko nung elementary ako.
At kung anong iniisip ng iba tungkol sakin dahil nga nerd daw ako at suplado ng dahil kase sa abilidad ko na ito hindi ako nagkakaroon ng maraming kaibigan dahil nakikita ko ang lahat ng emosyon nila.
Nakikita ko pag hindi nila talaga ako gustong maging kaibigan at lumalapit lang sila sakin dahil sa matalino ako at plano lang nilang mangopya sakin ng takdang aralin tuwing my ipapagawa ang teacher namin dahil nga ako ang top 1 lagi sa klase, pa minsan may mga lumalapit na mga babae sakin na nagkakagusto sakin hindi ko alam kung ano bang nakikita nila sakin at gusto nila ako mukha naman akong boring na tao.
Pero nakikita ko sa mga mata nilang gusto nila akong makikilala ang iba naman ay iniisip na mysteryoso ako at nahihiwagaan sila sakin meron namang sinasabi nila na nagwagwapuhan sila sakin ewan ko ba saan yun nang galing or baka talagang gwapo ako hindi ko alam.
Pero sa dinamirami nila meron naman akong naging kaibigan siya si Mirah De Dios siya lang kase ang bukod tanging nakikipag kaibigan sakin dahil sa gusto talaga niya akong maging kaibigan at isa pa matalino din si mirah madalas pa nga e kami ang magkalaban sa patalinuhan sa loob ng klase pero kahit ganun pa man hindi namin ito napagaawayan.
Madami din kaming mga pagkakapareho sa mga hilig parehas kami mahilig magbasa ng ibat ibang genre ng libro, mahilig din kami kumaen ng carbonara sa canteen,mahilig din kami magaral at isa yun sa lagi naming nagiging bonding tuwing magkasama kami.
Masaya akong naging kaibigan ko si mirah dahil napakabait at maaalalahanin siyang tao wala na ata akong makitang ibang taong kasing puro at kasing perpekto niya.
Nagpapasalamat na lang ako wala siyang abilidad na katulad ng sakin kung hindi malalaman niyang gusto ko siya.
Oo gusto ko si mirah hindi ko alam paano ba nagsimula yung nararamdaman ko nung una naman hindi ganito kaibigan lang yung turing ko sakanya noon.
Pero sa tuwing nakikita ko yung tawa niya yung mga ngiti niya na halos nawawala yung kanyang mga mata parang tumitigil ang mundo ko at parang siya lang yung tanging nakikita ko,
kasabay pa nun ang naghuhurumentadong puso ko na parang kala mo tumakbo ako sa track and field sa sobrang kalabog ng dibdib ko.
Pero hindi ko sakanya masabi yung nararamdaman ko natatakot kase akong magbago yung pakikutungo niya sakin natatakot akong mawala siya sakin natatakot akong mawala yung pagkakaibigan namin.
Kaya minamahal ko si mirah ng patago lingid sa kaalaman niya at ng ibang tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unseen FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon