CF2

463 24 0
                                    

**1 month later**

Vexana's Pov:

"Tequila baby.." I called out his name and kissed his cheeks. Nakita ko namang napahinto ito sa ginawa ko pero sumagot na rin ito ng may halong panlalamig.

"Ano?" Wala siya sa mood ngayon. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng business report.

"Alam mo na ba ang balita?" I said.

He looked at me coldly, "What is it this time, Vexana?" Nasa U.S kami ngayon. Tapos na ang honeymoon namin kaya tinuturuan na siyang mamahala sa business ni dad and business is always booming because of his tactics.

He's already good at business just like his dad. Sa pagiging isang asawa ko kaya? He didn't even touch me. Isang babae pa rin ang nilalaman ng puso niya. And that thing.. Really hurt me a lot. "Nagtatanong lang naman ako kung alam mo na." Sabi ko.

"Ang alin? Ang pakikipagkita mo sa mga lalaki mo?!" Galit na sabi nito. Iisipin ko na sanang magseselos siya pero niloloko ko lang ang sarili ko kapag nagpapaniwala pa ako ron.

"H-Hindi ko naman ginagawa iyon. Pero kasi.. Best friends ko sila. Kabanda ko sila nong college--"

"I don't fucking care. Stop seeing them. Iisipin nilang di ko ginagampanan ang trabaho ko sayo bilang asawa mo. Don't play around." Nasaktan ako sa sinabi niyang trabaho lang pala ako sa kanya.

"K-Kasi naman.. N-Nakikijamming lang ako sa kanila. P-Palagi ka kasing w-wala.. Tinatanong ko lang naman kung alam mo na ba ang balita na ikakasal si kuya at si Yella?" Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.

"W-What?!" Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"Yella's pregnant and my brother's marrying her."

"Get out." A statement that pierce something inside me.

"P-Pero--"

"I said get out!" Tumalima ako agad at lumabas ng office niya. Araw-araw ko namang pinapakita ang pagmamahal ko sa kanya. Araw-araw akong nagluluto sa kanya kahit naman di ako marunong at tinatapon niya lang iyon kasi hindi masarap ang luto ko.

I was the Princess of my family. Kaya di ako natuto sa mga gawaing bahay na talagang pinagsisihan ko. I'm not fit to be his wife. Si Yella, magaling siya sa pagluluto, a total opposite of me. But when it comes to wit, lamang ako ron.

Pero spoiled brat pa rin ako sa mata ng iba, pati na rin sa mata ng asawa ko. The fact also remains that he still loves my best friend deeply and I can't surpass that.

Nagulat ako sa pagbagsak ng pinto ni Tequila at may dala-dala siyang liham. "W-Where are you going baby?" Hindi niya ako sinagot at padabog na lumabas ng bahay.

Nakita kong nahulog ang papel na iyon kaya pinulot ko ito. Di ko ito nabasa dahil nagmamadali kong sinundan siya.

"Open the fucking gate." He shouted, his back facing at me. Sumunod naman ako at umugong na ang kotse niya. Tiningnan ko na lang ang kotse niyang papalayo.

I read the letter, "It has been a month, I'm pregnant, Tequila. I'm sorry, I cheated. I was so drunk. I'm also about to get married. I'm in love with you, Tequila. Please.. Please.. Runaway with me. Let's live away from everyone. Love, Yella."

It was dated a week ago. My tears fell. He's running away with her. Napaupo na lang ako sa kalsada kasabay ng pagbuhos ng ulan.

"Pwedeng bang ako na lang?" My tears fell as his car's shadow started to fade away.

¤¤¤¤

Gabi na at di pa rin umuuwi ang asawa ko simula nong nalaman niyang ikakasal na si Yella, wala naman akong magawa kung itatanan niya si Yella. Mahal niya ang tao kaya hahayaan ko na silang dalawa. Napunta sa wala ang maitim kong plano, mukhang karma ko na rin ito.

Cupid's Fool ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon