Book 2 : Second Cliché

452 52 210
                                    

Rom-Coms are Clichés :
Trial and Error
Book 2
By : HannahRedspring
7.18.14
8782

Second Cliche:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Second Cliche:

"It doesn't matter what is right, the only important thing is what is real."

🎈🎈🎈🎈🎈

Prologue:

Nagsimula tayo bilang tropa, akala ko hanggang doon lang ang kaya kong isugal.

Maayos naman ang lahat sa pagitan natin. Wala naman tayong problema---uhmmm siguro konting away-bati factor, pero normal naman yun sa isang relasyon hindi ba?

Trial and Error tayo---well, given na yan from the start.

You wanna move on from her; as much as I want to move on from him.

In the end we found love in this special friendship of ours---

What could go wrong, hindi ba?

Our love is like a balloon... we may loosen our grip or it might just slips away.

"Ria." Tawag sa 'kin ng kaibigan ko, dali ko agad siyang tinitigan.

Nginitian ko siya at tinanong, "Bakit?"

"Pwede ba kita makausap?" Seryoso niyang sabi sa'kin habang nadama ko ang hangin na tilang tinangay ang scarf ko. Naalala ko, sunset noong sinagot ko siya; minahal ko siya, mahal na mahal ko siya---

"Ria?" Muling tawag ng kaibigan ko sa'kin.

"I'm sorry..."

🎈🎈🎈🎈🎈

Malapit na ang graduation, konting tiis na lang. Yehey!

Ay nga pala, sa mga nakalimot na sa'kin, ako nga pala si Rina Isabel Reyes, status sa buhay, heto, single and ready to mingle.

Joke lang, baka may magalit.

Taken na po ako. Eh wala naman akong choice eh.

Joke lang ulit!

Stable naman ang relasyon namin ni Tony, well, minsan nagpapaka-gremlin ang ugali ng kumag, ganun siguro talaga kapag isip bata.

Dumami din pala ang circle of friends namin, so pwera sa Single Ladies na hindi ko na sure if single pa nga sila, lalo na ngayon at malapit na ang graduation--- knowing na si Nessie ay parang pinopormahan ni Richard.

Tapos may tampuhan slash away factor between Gellyn and Geoff, na hindi ko magets kung bakit sadyang clash sila, eh nung una ang alam ko, sweet sweetan sila.

Tapos si May naman ayun, nagpapaka-abnormal doon kay August.

Si Yenny din kay Tristan; it's complicated na ewan ko na lang talaga.

Rom-Coms are Cliches: Trial and ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon