13th date

471 69 111
                                    

13番目の愛の日
060618
Irene x Seulgi
Prologue

***

"So. . ." I gave her a warm smile, sumandal ako sa upuan at mataman na tinignan sya habang awkward na umiinom sya ng milk tea na in-order nya. "You're Irene Bae?" Tanong ko kaya naman tumango sya at ngumiti ng kaunti sa akin. Beautiful.

Sa totoo lang, hindi na talaga ako naniniwala sa love. Sa dinami-dami ng taong naka-date ko at niloloko lang nila ako, naisip ko tuloy na wala ng taong nakatadhana para sa akin. Na lolokohin lang nila akong lahat. 'Yung natakot na akong sumubok ulit dahil sawa na akong maiwan.

Pero not this time.

Nung ipakita sa akin ni Wendy ang picture ng babaeng ito, hindi ko alam pero may kakaiba sa ngiti nya na nagpapangiti din sa akin. Yung ngiti nya na hindi mo maipapaliwanag pero napakaganda. Yung ngiti nya hindi mo mabibili.

Alam ko, sa sarili ko, na may kakaiba sa babaeng 'to. Kaya naman naisip ko na why not? Pwede ko naman sigurong bigyan ulit ng chance ang puso kong mag-mahal ulit diba?

Paano naman, ang dami ng nanloko sa akin. 'Yung first na boyfriend ko, oo, boyfriend talaga. Si Jimin. Hindi ko pa kasi alam na babae talaga ang gusto ko at ncoconfuse pa ako nung time na 'yun. Minahal ko naman yung first boyfriend ko na 'yun, eh. Binigay ko pa nga lahat sa kanya- except sa v card ko, of course. Puso ko, atensyon ko, pagmamahal ko, oras ko, pera ko, efforts ko. Lahat-lahat. Pero naghanap pa din ng iba, eh. At ang pinakamasaklap, pinagpalit pa ako sa bestfriend ko. Nakakatangina, diba?

'Yung pangalawa naman, lalaki ulit, akala ko sya na, eh. Si JB. Sya yung nandyan nung iniwan ako nung first boyfriend ko. Pero siguro, talagang trip nila akong saktan. Nakabuntis sya habang kami pa. Kaya no choice sya kundi hiwalayan ako at panagutan ang babaeng nabuntis nya. Which is tama naman. Kaya hinayaan ko nalang.

'Yung pangatlo, eto na 'yung first girlfriend ko. Si Krystal. Minahal ko talaga sya ng sobra. Gaya nung mga nauna, akala ko sya na. Pero wala, eh. Iniwan nya din ako para daw i-pursue ang pagiging model nya. Edi iniwanan nya ako, at namatay na naman ang puso ko.

Pero dumating sa buhay ko si Jisoo, pinasaya nya ako. Sya yung tipo ng tao na madaling kasama. Yung mapapatawa ka. Pero hindi din kami nag-click, eh. So ayun, hindi na namin pinush. Sa ngayon, magkaibigan nalang kami at syota na nya ang kaibigan ko din na si Lisa.

Pang-lima naman, si Sunmi. Nakilala ko sya dahil sa mahilig akong mag-sayaw, nakilala ko sya sa isang dance class. Ayun, nag-date kami pero hindi din nag-work, eh. Wala na akong balita sa kanya, pero pinagdadasal ko na sana okay lang sya ngayon.

Pang-anim, si Suji. Sa totoo lang, sya 'yung tipo ng tao na madaling pakisamahan. Para syang si Jisoo, eh. Kaya lang, hindi nya pala ako minahal. Nag-sorry sya sa akin dahil sinayang ko lang daw lahat ng pagmamahal ko sa kanya, sinubukan naman daw nya pero alangan namang pilitin ko sya, diba? Edi hinayaan ko nalang.

Pang-pito, nanligaw sa akin si Kai. Sa totoo lang, hindi ko naman sya nagustuhan. Gusto ko 'yung pag-sayaw nya, hinahangaan ko sya 'don. Nag-date kami isang beses, pero wala talagang sparks. Kaya naman napagpasyahan naming maging magkaibigan nalang.

Pang-walo, si Mina. Tahimik lang sya, eh. Naging kaklase ko sya nung 3rd year highschool ako, mabait sya, sobra. Mahinhin pero nalaman ko na hindi pala akong mahal nya. Si Chaeyoung pala na kaibigan ko din. Okay lang naman sa akin, mukha namang gusto nila ang isa't isa kaya nagparaya nalang din ako. Masaya naman ako para sa kanila at hanggang ngayon, sila pa din.

Pang-siyam, si Sana. Halata namang hindi sya seryoso sa buhay nya kaya hindi din ako nagseryoso sa kanya. Nag-date kami 'non pero sumakit ang tyan nya at iniwanan ako. After that, nalaman kong dine-date na nya si Tzuyu kaya napatawa nalang ako sa sarili ko. Hindi ko naman sya minahal kaya hindi ganun ka-sakit.

Pang-sampu, si Jennie. Masungit sya, pero nagka-crush din ako sa kanya ng kaunti. Hindi din naging kami dahil nalaman ko nalang na gusto nya pala si Rosé, ang banal kong kaibigan. Hinayaan ko nalang sila, kahit na medyo nasaktan ako dahil nga naisip ko, bakit lagi nalang akong iniiwanan? Bakit hindi ako nagugustuhan? O kung nagugustuhan man ako, niloloko din naman ako bandang huli o iniiwan dahil sa mukhang hindi ata ako kapili-pili.

At sumunod na si Wendy. Bestfriend ko talaga sya. Pero dahil sa kagustuhan nyang pagaangin ang loob ko, inaya nya ako na i-date sya. Kaya ayun. Tinry naman namin pero nandiri talaga kami sa isa't isa. Mag-bestfriend lang talaga kami. And I swear, hindi ko na uulitin yun.

At yung pinakahuli, si Yooa. Sa kanya ako nasaktan ng sobra. Akala ko kasi minahal nya din ako, sobra ko kasi syang minahal, eh. Pero 'yun pala, pinagpustahan lang pala nila ako. Nung mga kaibigan nya. Nasaktan ako, sinaktan na nga ako, pinagmukha pa akong tanga.

Isang taon din akong hindi nakipag-date 'non, hanggang sa eto na naman ako, sa harap ng magandang dilag na 'to. Nung makita ko sya, talagang naramdaman ko na, ah eto na. Pero may part pa rin sa akin na natatakot. Sobra akong natatakot. What if fail pa rin this time?

Pang-13 ko na 'tong si Irene. Sabi nila, malas daw ang 13. Pero bakit nung makita ko sya sa harapan ko, feeling ko ang swerte ko?

"Ang dami na ding nanloko sa akin, nanakit at yung iba naman, wala talagang sparks. Hindi na ako naniniwala na may taong nakalaan para sa akin." Panimula ko at tinignan sya, tinignan nya din ako at kita ko na hinihintay nya ang susunod kong sasabihin. Ang ganda-ganda nya talaga. Naiisip ko kung bakit sya pumayag na makipag-date sa isang katulad ko na wala pa sa kalingkingan ng kuko nya.

". . .pwede mo bang sabihin kung anong pinagkaiba mo sa kanila?"

Nakita ko ang paglunok nya nang itanong ko iyan sa kanya, medyo matagal bago sya sumagot dahil naglikot ang mga mata nya. Pero maya-maya lang din, bumuntong hininga sya.

"Straight ako."

Literal na napanganga ako nang sabihin nya 'yan. Nakipag-date sya sa akin. . .

"What?" Gulat na tanong ko, sure ba sya?

. . .pero straight sya?

Bakit?

***

Hi, pakipigilan naman po yung kamay ko please. Gawa-gawa ng stories, hindi ko nga ma-update yung iba, hirap na hirap na ako!!1!1!1! Huhuhu.

Dahil nilalagnat ako (pero kaya ko pa naman) at bored ako dito, ayan ang kinalabasan. Hahahaha. Pagtyagaan nyo sana ang basurang ito. Salamat!

13th date ➵ 슬린Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon