Thirteen : 01

310 71 52
                                    

060618
Chapter one

***

MATAPOS ang mahabang katahimikan pagtapos nyang sabihin na straight sya, napagpasiyahan ko na magsalita na kaya naman tumikhim ako at tinignan ulit sya, lumunok pa ako sabay nagtanong ulit sa kanya. ". . .seryoso ka ba?" Hindi sure na tanong ko. Bakit naman sya makikipag-date sa katulad kong babae kung straight sya? Anong kabaliwan 'yun?

"O-oo," She sighed. Lumamlam naman ang tingin ko sa kanya nang marinig kong napabuntong hininga sya. Nakita kong nilalaro nya ang lalagyanan ng milk tea sa harapan nya. "Straight talaga ako. Never ko pang na-try na makipag-date sa isang babae."

Medyo napapikit ako pero dumilat din, akala ko pa naman sya na, eh. Akala ko talaga— sya na yung taong mamahalin ako, at mamahalin ko din ng sobra. Yung hindi ako iiwan. Nung una ko syang nakita, nasabi ko pa sa sarili ko na ah, she's the one. Pero lahat ng iyon, nawala nang malaman kong hindi pala sya magkakagusto sa isang katulad ko. Sa babaeng tulad ko.

Niloloko nya lang ba ako?

"H-hindi kita pinagtitrip-an or what." Agad nyang sabi nang mapansin nyang natigilan ako. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang maamo nyang mukha. Nakakainis naman, oh. Aware naman akong imposible syang magkagusto sa akin pero bakit tuwing tinitignan ko sya, parang nahuhulog ako?

"Kung hindi. . ." Huminga ako ng malalim at tinitigan sya, ". . .bakit?" Tanong ko. Bakit nya gugustuhing i-date ako? Bakit sya pumayag sa blind date na 'to? Aware naman siguro syang babae ako simula nung una palang, diba? Isa pa, si Wendy ang nagrekomenda sa akin. Sya ang nagpakilala sa akin kay Irene. Siguro naman sinabi ni Seungwan na babae ako.

Pero bakit sya pumayag?

"Gusto kong malaman kung paano magmahal ng isang babae." Napanganga ako nang sabihin nya 'yan, ano daw?

"Tingin mo ba na magkaiba pa ang pagmamahal sa isang lalaki at babae?" Tanong ko sa kanya at nagkibit-balikat sya.

"That's my point, g-gusto kong i-try. Gusto kong malaman ang feeling. I-isa pa, nagsasawa na din kasi akong masaktan. Lagi nalang akong sinasaktan ng mga lalaki. Kaya naman naisipan ko na mag-mahal ng babae, na i-try naman 'to." Sabi nya sa akin, hindi ako umimik, nanatili lang akong nakikinig sa kanya kaya naman nagsalita ulit sya. "Kaya nung pinakita ka sa akin ni Wendy, sinabi nya na gusto mo daw ulit i-try na magmahal, gusto mo daw ulit na magmahal. Kaya naman naisip ko na baka pareho lang tayo." Sabi nya sa akin at napapatango naman ako.

May point naman sya.

Pareho lang naman kami ng gusto, eh. Ang magmahal ng hindi naloloko. Na hindi iniiwan.

"Let's give it a try." I smiled at her, napangiti nalang din sya at tumango. Kahit na hindi ako sure kung mamahalin nya din ako, dahil straight sya, gusto kong bigyan ng chance 'tong sa aming dalawa.

Baka naman kasi pwede pala.

***

"SO, anong mga gusto mong pagkain? Gawin?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive ako. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana pero alam ko na nakikinig sya sa akin.

"Gusto kong. . ." Nag-isip pa sya kaya napangiti ako ng palihim, nakikita ko kasi sya sa gilid ng mata ko at nakita ko na nakalagay pa ang hintuturo nya sa baba nya na parang nagiisip. Cute. ". . .maglaba at mamlantsa." Napataas ang kilay ko nang sabihin nya 'yun. Seryoso ba 'to?

"Seryoso ka ba dyan?" Natatawang tanong ko at sumulyap, akala ko nagbibiro lang sya pero nagulat ako nang seryoso syang tumango sa akin. So seryoso nga sya.

"Oo nga." Giit nya sa akin, kumunot ang noo nya. "Bakit mo ba ako pinagtatawanan?" Ngumuso pa sya kaya naman napangiti ako.

"Natawa lang ako. Hindi din ako makapaniwala. Hindi ko naman alam na pangarap mong maging kasambahay." Natatawang saad ko, mukha syang nainis kaya naman sinuntok nya ako sa braso. Nagulat ako dahil nagdadrive ako, mabuti nalang at wala kaming makakasalubong na kotse.

"Nagda-drive ako!" Paalala ko sa kanya. Natatawa pa ako. Pikon pala ang isang 'to. Sadista pa pag naiinis. But still, ang cute nya pa din. Maganda pa. "Sorry na, okay. Wag ka na mainis." Natatawang paghingi ko ng tawad.

"Baliw ka kasi. Gusto ko lang talaga maglaba at malantsa." Sabi naman nya kaya napapatango ako. Pwede ng mag-asawa, huh?

"Anong trabaho mo?" Tanong ko habang nasa daan pa din ang tingin. Napagpasyahan naming mag-mall at manood ng sine. Tutal, tapos na naman kaming uminom kanina sa coffee shop. Hindi ko alam kung bakit hindi sya um-order ng kape, eh. Hindi siguro sya mahilig? Noted.

"Psychiatrist ako." Napa-ohh ako nang sabihin nya 'yan. Ang galing naman. "Nagmo-model din ako, at nagvovlog." She beamed a smile.

"So. . .kung psychiatrist ka, pwede mo ba akong gamutin?" Tanong ko sa kanya at sumulyap pa sa magandang binibini na nasa tabi ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Sa simpleng ginagawa nya, napapangiti na ako. Bakit ba ang cute cute nya?

"Bakit?" Takang tanong nya sa akin. Sakto naman na naka-park na ako dito sa parking lot ng SM kaya hininto ko na ang kotse. Pagtapos ay tumingin ako sa kanya at nginitian sya.

". . .baliw na baliw na ako sa'yo, eh." Nakangiting saad ko. Napaawang ang bibig nya dahil sa banat ko kaya napatawa ako. Cute-cute. Napangiti ako lalo nang makita ko na unti-unting namumula ang pisngi nya. Nakakatuwa. Namumula sya ngayon sa harapan ko at ako ang dahilan nito. Saya.

"B-baliw!" Namumulang sambit nya sa akin, "T-tara na nga." She mumbled. Narinig ko naman iyon kaya napabungisngis ako nang bigla syang bumaba sa kotse. Natanaw ko sya labas na sinasampal ang pisngi nya kaya napahalakhak ako.

Nice one, Seulgi.

Hindi naman siguro masama kung ipupush 'ko to, diba? Kasi hindi naman imposible na magkagusto din sya sa akin, diba?

Siguro kailangan lang namin unti-untiin 'to.

I'll make you fall for me, Irene. . . itaga mo sa bato.

***

13th date ➵ 슬린Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon