Chapter 1: Unang pagkikita
Briana's P.O.V
"Gotcha!" Sabi ko nang makuha ko na ang libro na gustong gusto kong bilhin.
Pumunta na ako ng cashier para magbayad kaso ang haba ng pila. Pumila ako sa likod ng matangkad na lalaki.
Ang bango nya saka may itsura sya!
Sinulit ko na ang pagkakataon kaya inamoy amoy ko si kuya na pogi. Ang bango eh.
Grabe ang bango bango nya. Anong brand ng pabango kaya ang gamit neto? Malamang mahal yun.
Ang tagal tagal ng usad ng pila papuntang cashier kaya naiirita na ako kase kanina pa ako nakatayo.
"Tss!" Inis na sabi ko dahil ngalay na ako.
Nakita kong palingon lingon iyong lalaking nakapila sa harapan ko.
"Ano bang hinahanap nito? Hindi mapakali, tsk!" Inis na sabi ko sa isip ko.
Gustong gusto ko na talagang umuwi para makapag pahinga dahil pagod na ako.
"kung tadyakan ko kaya silang lahat ng ako naman ang makapag bayad?" Napailing iling nalang ako sa naisip ko.
Mga isang oras ang lumipas ng ako naman ang makakapag bayad sa cashier. Kinuha na ate yung librong babayaran ko saka kinuha nya narin yung pambayad ko.
"Eto na po Miss." Sabi ni ate saka abot narin ng sukli ko.
Umalis na ako ng Mall para makauwi na agad dahil napagod ako sa tinagal ng tinayo ko doon sa Book Store.
Nakipag away pa pala yung aleng bumili ng kung ano man yon dahil ibang price daw ang sinabi ni ateng kahera. Hindi naman daw kasi iyon ang price na nakita nya sa lalagyanan ng kung ano man yon kaya ipinaglaban na. Hindi talaga siya nagpaawat kaya pala ang tagal ng tinayo namin ng ibang customer don sa pila.
Napagod tuloy si kuyang pogi na nakapila kanina sa harapan ko. Jusmiyo! Hindi nila dapat pinapagod ang mga poging katulad nya at magagandang matulad ko.
Napahagikgik ako sa naisip ko.
Nakasakay na ako ng Fx agad pero hindi pa ito umaalis dahil kulang pa ng dalawang pasahero.
Kaya naman umiglip muna ako.Maya maya'y napamulat ako ng maramdaman kong may sumasakay sa Fx. Nagulat ako dahil isa don sa sumakay ang lalaking kanina ko pa inaamoy at tinititigan sa Book Store.
Umayos ako ng pagkakaupo dahil uupo silang dalawa sa tabi ko. Bakante kase ng dalawa yung sa tabing upuan ko kaya dun sila uupo.
Nagulat ako lalo ng siya pa ang tumabi sakin! Kinilig si ate mo Briana. Para siyang artista. Maputi, matangos, package na sya!
"Bakit ka titig na titig sakin?"
Ngayon ko lang na realize na kanina pa pala ako nakatitig sakanya simula ng pagpasok nya sa Fx.
"Ahmm, wala lang." Sabi ko saka nag iwas ng tingin.
Umandar na ang Fx at isa isa nang nagbayad ang lahat kaya humarap nalang ako sa may bintana ng sasakyan. Dun kasi ako nakapwesto sa tabi ng bintana.
Nahihiya ako sa ginawa kong pagtitig kay kuya. Sino ba naman kasing tao ang hindi mapapatitig sa ganun ka pogi, nakatabi mo pa!
Habang nakatitig sa daan naalala ko yung ginawa kong pag amoy amoy kay kuyang pogi.
Gusto ko ulit maamoy yun, HAHAHAHA.
Tumingin ako kay kuyang pogi pero sa harap sya ng fx nakatingin. Kaya sinulit ko na ang pagkakataon at inamoy amoy na sya, HAHAHAHA!
"Sobrang bango ba?" Nabigla ako dahil nakita nya akong inaamoy sya.
"Duh! Hindi no." Pagsusungit kong sagot.
"Tss. Kanina mo panga ako inaamoy. Pati dun sa Book Store inaamoy amoy mo ako." Nakangisi netong sabi.
Nakanang tupa! Pano nya nalaman!?
"Ano naman kung inaamoy ko?" Pataray kong sagot.
Wag! Wag kang ngumisi! Ang pogi mo lalo!
"Baka mawala kasi yung kabanguhan ko kakasinghut mo." Natawa ito ng mahina.
"Edi magpabango ka ulit, Tsk!"
"Edi magpabango ka ulit, Tsk!" Panggagaya netong kumag na may pang aasar na tono.
Wag kangang ganyan! Baka mafall ako sayo.
"Close ba tayo?" Sarcastic kong sabi.
"Hindi."
"So bat mo ako kinakausap?"
"Eh ikaw? Bat kung makaamoy ka kala mo close na close tayo?" Pangangasar nito.
"Edi sorry." Mahina kong sabi.
"Good." Saad nito.
Nakita kong may mga ilang pasaherong nakatingin saamin kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Kung pagdudukutin ko kaya ang mata netong mga malisyosong mga ito." Sabi ko sa isip ko.
After 30 minutes ay nakarating narin kami agad sa babaan.
Pagkababa ko ay agad kong sinundan si kuyang pogi dahil gusto kong alamin ang pangalan nito.
"Kuya!" Tawag ko dito.
Agad naman siyang napalingon at saka lumapit.
"Yes?"
"Anong name mo?" walang pag alinlangang tanong ko.
"Alexander Gabrielle Cruz."
"Ako naman si Briana Alexandra Flores."
"Beautiful Name." Saad neto kaya agad naman akong kinilig.
"Thank you,"
"Btw, kailangan ko na kaseng umalis. Bye." Sabi nito at agad na tumalikod at umalis.
Hindi ko na nagawang tawagin ito para magpaalam dahil muka itong nagmamadali.
Naghanap na ako ng tricycle para masakyan ko at makauwi na.
-Flashback-
Habang umaandar ang tricycle ay naalala ko ang nangyare kahapon.
"Hey! Okay kalang?" Tanong ko sa lalaking nadapa sa gilid ng side walk.
"Okay lang." Sagot nito nang hindi ako nililingon.
Tumayo ito at naglakad palayo.
weird.
-End of flashback-
"Ang dami ng weird ngayon." Sabi ko sa sarili ko.
"Para po!" Sigaw ko.
Bumaba ako agad nang tuluyang makahinto si kuya. Habang naglalakad ay naalala kong hindi pa pala ako nakabayad.
"Shit!!" Sigaw ko. Masyado nanaman siguro akong nagging lutang.
Di bale, Babayaran ko naman si kuyang driver pag nakasalubong o nakasakay ulit ako sakanya. Masyado na akong naging lutang.
YOU ARE READING
Dead Dreamers
Mystery / ThrillerDon't sleep unless you pray. Don't sleep under your problem. Stop dreaming. Sleep without negative thoughts. If you don't want to die, Don't sleep. Don't be a part of Dead Dreamers.