Chapter 2

33 4 1
                                    

Chapter 2: Dark Hill University.

Namahinga na ako sa bahay dahil sobrang napagod ako kaninang umaga sa Mall.

Andrea's P. O. V

"Ring! Ring!"

Napabalikwas ako sa gulat ng mag ring ang aking cellphone.

"Tsk! Sino ba tong tumatawag!" Inis kong sabi at agad na sinagot yung tawag.

"Hoy! Babae! Kanina pa ako tumatawag bat ngayon mo lang sinagot!?" Reklamo ni Elizabeth.

"Ano ba kase yon? Bat kaba napatawag?" Inis kong wika.

"Sabi kasi nung pinsan ko na hanggang ngayon nalang pwedeng mag-enroll  sa Dark Hill University!"

"Ganon ba? Sige tatawagan ko na si Briana para sabay-sabay na tayong mag-enroll" wika ko.

"Sige, bilisan niyo ah."

Agad kong pinutol ang tawag para tawagan ko ang isa ko pang kaibigan.

"Ring! Ring!"

"Ring! Ring!"

Briana's P. O. V

"Waaaaaa!"

"Hindi na dapat kayo pumasok dito!"

"B-Bakit naman?" Nauutal kong sabi.

Nakatayo sa harap ko ang isang lalaking nakaitim at hindi ko maaninag ang kanyang muka.

Habang ako naman ay napahiga sa sahig dahil sa gulat ko kanina.

Bigla nalang kasing sumulpot itong lalaking to sa kung saan.

Inilibot ko ang mata ko at hindi ko alam kung nasaang lugar ako.  Madilim dito at tanging liwanag ng buwan lang ang sumisilay sa loob ng kwartong ito.

Parang nasa...

Hindi ko na natapos ang pagiisip ko ng kung ano ano dahil bigla nalang itong nagsalita.

"Hangga't maaga pa ay umalis na kayo dito!" Sigaw nito saakin.

"Dahil kung hindi kayo aalis..."

"Ring! Ring! Ring!"

Ano ba yung ingay na yon!?

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Andrea.

"Hello?" Saad ko ng masagot ko na ang tawag nito.

"Ano bang ginagawa mo ah!? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo at hindi mo sinasagot!" Galit niyang sabi.

"Kasalanan ko bang natulog ang magandang ako! Saka bakit kaba tumatawag!?" Inis kong tugon.

"Mag-eenroll na tayo sa Dark Hill University. Ngayon na daw yung last day para makapag-enroll sa school na yon." Kalmadong sabi nito.

"Hala! Sige mag mamadali na akong mag ayos! Sabay-sabay naba tayong mag eenroll?"

"Oo! Sasabay din pala satin yung pinsan ko na si alex kase gusto niya ding mag-aral sa DHU." Wika nito.

"Sige, kita kita nalang tayo dun sa Mall na malapit dun sa DHU. Dapat mga 2:30 pm ay nandon na kayo!" Saad ko.

"Ok bye!" Pagpapaalam nito saka pinutol ang linya sa cellphone.

Walang hiyang yon! Hindi manlang ako sinabihan ng "Ok bye! Ingat sila sayo." kahit na ingat lang e wala! Tungunung yun! Kotong mamaya sakin yon!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dead DreamersWhere stories live. Discover now